019 || Ofiara

1.3K 75 21
                                    

2:49 PM

Mingyu: wonwoo

Mingyu: wonwoo

Mingyu: wonwoo

Wonwoo: yup?

Mingyu: ang hilig mo pala sa mga young adult, fantasy at mystery books, akala ko pa naman mahilig ka sa mga classic na libro.

Wonwoo: paano mo naman nasabi?

Mingyu: wala lang, yun kasi akala ko eh, parang nakikita ko sa mukha mo

Wonwoo: ah

Wonwoo: nagbabasa rin naman ako ng classic

Wonwoo: hindi lang naman YA, mystery at fantasy binabasa ko

Mingyu: talaga? nabasa mo na ba yung flowers in the attic?

Wonwoo: dollanganger series?

Mingyu: yup! nabasa mo na? :)

Wonwoo: oo, pero first book palang nababasa ko. hindi ko kasi makita dito sa café yung iba pa niyang libro

Mingyu: oh, alam mo kumpleto ni ate yung series na yun. gusto mo ipahiram ko sayo yung whole series?

Wonwoo: huh? hala, 'wag na. nakakahiya naman.

Mingyu: hindi, ayos lang! mabait naman yun si ate, magpapahiram naman yun. mahilig kasi magbasa si ate eh.

Wonwoo: hindi mingyu, kahit hindi na. ayos lang talaga.

Mingyu: kahit naman tumanggi ka ipapahiram ko pa rin sayo hehe

Wonwoo: totoo pala talaga sinasabi nila na makulit ka

Wonwoo: pero hindi ako naniniwalang masungit ka?

Mingyu: huh? saan mo narinig yan?

Wonwoo: mga kumakalat na chismis. naririnig ko. pero 'di naman ako maniniwala hangga't makikita ko

Mingyu: 'wag ka maniwala sa kanila, 'di naman nila ako kilala

Wonwoo: sabi ko nga

Mingyu: good, kasi ipapakita ko sayo totoo kong ugali :)

Wonwoo: magkaibigan na ba tayo?

Mingyu: hindi pa ba kita kaibigan sa lagay na 'to?

Wonwoo: nagtataka lang

Wonwoo: kasi sabi ng isa mong kaibigan saakin na hindi ikaw yung tipo na nakikipagkaibigan sa kahit sino. kahit nga kaibigan ng tropa mo sila soonyoung, hindi mo pa rin sila kinaibigan.

Mingyu: kaibigan? sinong kaibigan? 😱

Wonwoo: vernon

Mingyu: aH, ANO NANAMAN SINABI NG AIRPORT NA YUN

Mingyu: pero sige, mag-a-assume nalang ako na tinanong mo ako sa kanya :---))

Wonwoo: heh

Wonwoo: asa ka pa

Mingyu: um-oo ka nalang please :c

Wonwoo: oo na

Mingyu: hAh SO TINANONG MO NGA TALAGA AKO KAY VERNON

Wonwoo: . . .

Mingyu: grabe, tuldok lang talaga :c

Wonwoo: wala, kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit mo ako kinakausap sa phone kung pwede naman sa personal. magkaharap na nga tayo, 'di pa tayo nag-uusap.

Mingyu: ay, nahihiya kasi akong magsalita.

Mingyu: mahiyain ako hehe

Wonwoo: mahiyain? hindi ko makita

Mingyu: TSE

Mingyu: pero seryoso ako wonwoo, nahihiya ako ng konti sayo

Wonwoo: hindi ko talaga makita

Mingyu: grabe naman

Wonwoo: paanong nahihiya ba?

Mingyu: hindi ako makatingin ng diretso sayo

Wonwoo: ganon na ba ako ka-gwapo para hindi mo ako matignan ng diretso?

Mingyu: AHHHH, ANG LAMIG

Mingyu: NARAMDAMAN MO BA YUN WONWOO, ANG LAKAS NG HANGIN

Wonwoo: 'WAG KA KUMONTRA

Wonwoo: GWAPO NAMAN AKO DIBA

Mingyu: OO GWAPO KA, MAS GWAPO PA SAAKIN PERO—

Mingyu: WOOY SERYOSO, NARAMDAMAN MO BA. LIPAT TAYO PWESTO, NASA TAPAT TAYO NG BINTANA EH

Wonwoo: I FEEL HONORED? dapat na ba ako mag-thank you?

Mingyu: aba, dapat lang! ikaw lang sinabihan ko ng ganyan. yung mga kaibigan ko, never ko sinabihan na gwapo sila, pangit yung mga yun eh.

Mingyu: pero wonwoo, lipat na tayo please. nilalamig na talaga ako dito.

Wonwoo: saan tayo lilipat?

Mingyu: dun malapit sa post its :) yung pader na pinagdidikitan non

Wonwoo: ah sige.

Seen 3:15 PM

3:21 PM

Wonwoo: wuy, magdidikit ka ng message?

Mingyu: oo

Wonwoo: ano isusulat mo?

Mingyu: basta, makikita mo rin mamaya

Wonwoo: bago tayo umalis magsusulat rin ako

Mingyu: sige, sige

Mingyu: ano kulay ng post it mo?

Wonwoo: blue

Mingyu: green saakin

Mingyu: hanapin mo nalang ididikit ko haha

Wonwoo: hanapin mo nalang rin saakin

Mingyu: talikod ka, bago ko idikit

Seen 3:22 PM

Wonwoo: tapos na?

Mingyu: oo, ikaw naman. tatalikod na ako.

Seen 3:25 PM

Wonwoo: ayan, tapos na.

Mingyu: malapit na mag-3:30, tara na?

Wonwoo: tara na

-
note:

ang haba nito haha

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon