090 || Ofiara

774 37 3
                                    

DIALLING. . .
Line Connected,

"Hello?"

"Hello?"

"Okay ka na, Arin?"

"Rae nalang. And I'm already okay, salamat sa pag-comfort kanina."

"Good. Akala ko 'di ka na titigil kanina eh. But atleast you didn't bottled up all your emotions a while ago."

"Huwag nalang natin pag-usapan 'yon, Mingyu. Nahihiya na ako."

"Okay lang yan. Ako nga hindi ko malabas eh."

"A-Ah, tungkol kay Wonwoo?"

"Hmm, oo."

"Ba't hindi mo sabihin ngayon? Ako naman makikinig sayo."

"Hindi na. You don't need too."

"Why not?"

"You might look at me disgustingly."

"No, I won't. Naiintindihan ko naman sitwasyon mo."

"Hindi na, nailabas ko naman na mismo sa kanya dati pa."

"Mahal mo pa rin ba?"

"Hindi naman ganon kadali maalis nararamdaman mo para sa isang tao."

"Mahal mo pa nga."

". . ."

". . ."

"Ang hirap alisin."

"Alam ko."

"Diba? Baka nga abutin pa ako ng ilang taon para maalis 'tong nararamdaman ko sa kanya."

". . ."

". . ."

"May naisip ako."

"Ano 'yon?"

"Let's ditch our wedding."

"Huh?"

"Maging runaway bride at groom tayo."

". . ."

"B-Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala, ang cute lang kasi. May runaway groom na pala."

"Oo, ikaw 'yon kapag tinuloy natin 'tong plano ko."

"Arin."

"Rae na nga lang sabi, diba?"

"Eh gusto nga kitang tawaging Arin."

"Whatever."

"Paano naman ako? Ikaw sasaya kasi makakasama mo si Dino. Paano ako?"

". . ."

". . ."

"S-Sorry, I'm so selfish. Sorry hindi kita naisip."

"Sorry rin, hindi ako makasang-ayon sa plano mo."

"Hay, why is life so cruel to us?"

"Ganyan talaga."

". . ."

"Malapit na kasal natin."

"Two weeks nalang?"

"Oo, ang bilis ng panahon. Parang kahapon ko lang nalaman na ikaw mapapakasalan ko."

"Oo nga."

"Bukas na pala fitting ng gown mo, ano? Kailangan ba nando'n ako?"

"Gusto mo ata mabatukan ni kuya Sehun?"

"Ay shet, naalala ko second cousin mo pala siya."

"Kailangan nando'n ka rin, pipili ka pa ng bagay na suit para sayo. Ano gusto mo, nakasuot ng pambahay sa kasal?"

"Ang harsh mo naman, teka. Pwede bang ikaw na pumili? Susukatin ko nalang."

"Sinabi mo yan ah. Kahit color pink na americana suotin mo okay lang? Ayun gusto kong suotin mo sa kasal."

"Joke lang pala, magpapapili nalang ako sa mga kaibigan ko."

"Hmm sige."

"Tulog na, late na pala oh."

"Sige, goodnight."

"Goodnight."

Call Ended.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon