⚠ ang kabanatang ito ay purong kalandian ng meanie. read at your own risk. binalaan ko po kayo ah. ⚠ (😂😂)
ps. corny jokes and lame pick-up lines ahead + crappy narration. medyo mahaba pero keri lang.
MINGYU's POV
"Teka, hindi kasya Mingyu."
"Alisin ko ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, pero dahan-dahan lang. Masikip eh." Gaya ng sabi niya, tinanggal ko yung t-shirt ko na suot niya. May suot naman siyang sando kaya hindi ko naman siya tuluyan na nahubaran—
Pero kahit naka-sando siya kita ko pa rin ang mapayat niyang katawan. Nagtataka tuloy ako kung kumakain ba siya ng maayos. Baka naman mamaya kanin at asin lang kinakain niya? Bigla naman ako kinilabutan sa naisip ko sa hindi malaman na rason.
Paano nga kung ganon talaga kinakain niya dahil sa kahirapan? Huh, kapag talaga ako naging boyfriend ni Wonwoo, hinding-hindi siya magugutom.
Nandito kami ngayon ni Wonwoo sa loob ng closet ko. Napapaligiran kami ng mga damit. Isang maliit kasi na kwarto yung closet ko kaya nakapasok kami dito.
Sabi ko kasi kay Wonwoo na magpalit siya ng pambahay ko para ramdam niya talaga na nasa bahay siya. Ayoko naman na the whole day na nandito kami nakasuot siya ng panlabas na damit.
"Wonwoo, kumakain ka ba ng maayos?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang katawan niya (hindi ko siya sinisilipan, promise).
Nung mapansin ni Wonwoo na tinitignan ko siya from head to toe, tinakpan niya ang sarili niya gamit ang dalawa niyang kamay, "Hala, hala. Naninilip ka ba? Hindi mo sinabi katawan lang pala habol mo saakin!"
Dahil sa sinabi niya, random na kumuha ako ng t-shirt na naka-hanger at tinapon sa kanya. Nung masalo niya yun tumalikod kaagad ako sa kanya, "Hindi kita sinisilipan, at mas lalong hindi katawan ang habol ko sayo! Grabe ka naman, tinitignan ko lang kung gaano ka kapayat eh."
"Okay." Sagot niya.
Nagulat naman ako nung maramdaman kong yinakap ako ni Wonwoo mula sa likod. Naramdaman ko naman na uminit ang magkabilang pisngi ko, tangina, too close.
Pinatong niya yung baba niya sa balikat ko kaya hindi ko magalaw yung ulo ko. Nararamdaman ko pa yung mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Napalunok nalang ako.
"Joke lang! Bakit mo pala natanong? Masyado na ba akong payat? Kumakain naman ako ng maayos ah." Hinawakan ko yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at hinarap siya saakin. Tapos ako na ulit ang naglagay ng hawak niya sa bewang ko.
"Talaga?" Tanong ko tapos tinaas ko yung isa niyang kamay. I cuffed his wrist with my fingers, "Ang payat mo kaya. Tignan mo oh, nag-cross dalawa kong daliri sa wrist mo."
Tapos tinignan ko siya sa mata, "Kapag ako naging boyfriend mo hinding hindi kita gugutumin." Tapos pinisil ko ang ilong niya.
He scrunched up his nose after I did that. Napangiti ako, bakit ba ang cute cute niya kahit sa maliliit na galaw na ginagawa niya? It just makes me adore him so much.
"Okay na ba yang suot mo?" Sabi ko at tinignan ang suot niyang t-shirt na binato ko sa kanya kanina. Black t-shirt at black na pajama ang suot niya. Puro black, feeling ko tuloy mag-a-attend siya ng libing.
But seeing him wearing my clothes makes me feel good. Him, wearing my shirt and pajama. Hindi ko na ata papalabahan ang damit na suot niya ngayon.
"Okay na 'to." Sabi niya.
"Okay, tara na sa kitchen? Lulutuan na kita ng breakfast mo."
He nodded. Kaya naman hinila ko na siya ng marahan at lumabas na kami sa closet ko. Dumiretso kami sa kitchen. Nadatnan naman namin dun si Manang na inaayos ang mga bagong pamili na stock ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...