048 || Ofiara

906 61 9
                                    

MINGYU's POV

Sa unang araw na nandito kami sa Batangas—sobrang saya namin. Parang end of the world na kung gumawa kami ng mga kalokohan dito sa Batangas. Nag-swimming kaming lahat, inubos namin lahat ng pagkain na na-cater at mga pagkain na niluto namin ni Seokmin. Kinantahan kami ng buong tropa ng happy birthday. Noong medyo pa-gabi na—nanood kami ng movie sa salas. Hanggang sa makatulog kaming lahat doon. Nadatnan nalang namin na nakabukas ang TV at nagpeplay pa rin yung movie kinabukasan.

Sa pangalawang araw—ayos lang naman. Maayos ang breakfast namin sa umaga. Yung iba nag-unahan na sa swimming pool. Yung iba naglakad lakad muna sa beach. Pero pagdating ng hapon—hindi ko alam kung okay pa ba ang pangalawang araw namin dito pagkatapos kong ma-receive ang tawag ni ate kanina lang.

Nakaupo kaming lahat ng tropa dito sa salas. Katabi ko si Wonwoo ngayon na kasalukuyang hinahawakan ng sobrang higpit ang mga kamay ko. Kanina pa ako kinakabahan at ninenerbyos. Parang maiiyak pa nga ako anytime. Pero sa paraan ng paghawak ng kamay saakin ni Wonwoo—gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Ano, magtatanan na kayo?" Seryosong sabi ni Jeonghan.

"Saan naman sila magtatanan?" Paghabol na sabi ni Jihoon.

Natahimik kaming lahat. They’re all giving us a look of concern and worry. Huminga ako ng sobrang lalim, "Balik na tayo. K-Kakausapin ko nalang si D-Dad." I'm in the verge of crying. Naramdaman kong yinakap ako ni Wonwoo kaya isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya.

"Balik na tayo?" Rinig kong tanong ni Jeonghan.

"Balik na tayo." Rinig kong sabi nilang lahat.

"Babe, tahan na." Bulong saakin ni Wonwoo. Umiling ako, "A-Ayoko na." Naramdaman kong mas napahigpit ang hawak ni Wonwoo sa kamay ko.

"Huwag kang susuko. Akala ko ba ipaglalaban mo pa ako?" Pinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya, "Ipapaglaban kita." Bulong ko.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon