THIRD PERSON's POV
"Mingyu, gising na! Andyan na siya sa baba."
"Ano ba, ate! Sinabi ko naman sayo kahapon pa na wala akong balak makita siya. Panira ka ng tulog eh." Nagtaklob ng kumot si Mingyu para hindi siya maistorbo ng ate niya. Pero ang totoo, ayaw niya lang makita siya ng ate niya na nagsisilabasan nanaman ang mga luha sa mata niya. Maraming luha na ang nalabas niya kaharap ang ate niya, ayaw niya ulit na makita siya ng ate niya na ganito kahina.
"Okay, okay. I understand. Pero kasi, diba sinabi na ni Dad sayo kagabi na share kayo ni Wonwoo sa floor na 'to? Mas mahirap 'yon." Napabuntong hininga si Mingyu. Alam ko naman eh, balak niyo talaga ako pahirapan ng todo todo.
Isang linggo na rin simula nang malaman ni Mingyu na magkapatid pala sila ni Wonwoo. These past few days, palaging nakakulong si Mingyu sa kwarto niya. Ni hindi siya lumalabas para kumain o magbilad man lang sa araw kahit konting minuto lang. Nagmumukha tuloy siyang nabuhusan ng napakaraming pulbos sa sobrang putla niya.
"Tumayo-tayo ka rin diyan. Isang linggo ka na atang hindi gumagalaw, hala ka." Inalis ni Mingyu ang kumot na nakataklob sa kanya at bumangon. Huminga siya ng sobrang lalim at tinignan ang ate niyang nakatingin sa kanya ng may pag-alala.
"N-Nandyan na ba talaga siya sa baba?" Tanong ni Mingyu.
Tumango ang ate niya, "Oo, hinahanap ka nga niya eh."
"Magpakita ka, kahit dumaan ka lang sa harap niya." Dagdag niya.
Umiling si Mingyu, "Balak mo ba ako pahirapan talaga? Baka kahit ilang segundo ko lang 'yon makita mamaya, bumalik nanaman lahat ng nararamdaman ko sa kanya." Mali, baka mas lalo pang lumalim nararamdaman ko sa kanya.
Nagkatinginan naman ang magkapatid noong makarinig sila ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ni Mingyu. Pinanliitan ni Mingyu ng mata si Krystal at tinignan ito ng masama, "Akala ko ba nasa baba siya?! Bakit mo pinataas dito sa floor ko!" Tuluyan nang umalis si Mingyu sa kama niya. Pero pagkatayo niya ay nawalan siya ng balanse. Mingyu felt dizzy with his sudden action. He even feels like his bones cracked when he suddenly moved because of not moving for a long time. Napatakbo tuloy si Krystal sa kanya.
"Gyu, okay ka lang? Huh? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ng ate niya.
Dahan-dahan na tumayo si Mingyu. "Okay lang ako. Pero bakit siya nandito sa taas!"
"Chill ka lang! Baka naman kasi pinataas na ni Dad." Naglakad si Krystal papunta sa pinto pero pinigilan siya ni Mingyu, "H-Huwag mo buksan! H-Hindi pa ako nakaayos, t-teka lang."
Napangisi si Krystal, "Oh, akala ko ba wala kang interes makita siya?"
Napakamot si Mingyu sa batok niya. "I changed my mind! T-Tsaka ano, sabi mo kahit saglit lang. Kaya saglit lang talaga, magpapakita ako. Teka lang, maghihilamos lang ako!" Tumakbo si Mingyu papunta sa comfort room na nasa loob rin ng kwarto niya.
Tumitibok ng sobrang lakas ang puso niya noong makita niya ang sarili niya sa salamin. Yung buhok niya parang nadaanan ng bagyo sa sobrang gulo, yung eyebags niya mas lumalim, yung mata niya singkit na sa kakaiyak, nakita niya rin ang napakaputla niyang balat.
"Pumuti ata ako." Sambit niya sa sarili niya. Natawa siya sa sarili niyang joke pero napasimangot rin kaagad. Malala ka na Kim Mingyu.
Naghilamos lang saglit si Mingyu, nag-toothbrush na rin siya at nagpalit ng damit. Pagkalabas niya ng comfort room, bumungad kaagad ang likod ng isang nagngangalang Kim Wonwoo. Nakaupo ito sa kama ni Mingyu habang nakatingala sa ate niyang si Krystal.
Kim Mingyu can't help but fake a cough to get their precious attention. Hindi lumingon si Wonwoo sa kanya pero napatingin si Krystal kay Mingyu. Krystal showed a lopsided smile, "Mingyu, ikaw na bahala."
Binuksan ni Mingyu ang kanyang bibig para prumotesta pero bago pa niya masambit ang mga salitang gusto niyang sabihin, nakaalis na si Krystal sa kwarto niya. Ah, bwisit naman. Sabi ko magpapakita lang ako pero bakit niya pinaloob sa kwarto ko?!
Mingyu doesn't know what to do. He remained glued on his position. Unable to move. Unable to speak. Unable to think. It was as if his whole body was paralyzed even his mind. Si Wonwoo? Hindi pa rin lumilimgon sa direksyon niya. Kagaya ni Mingyu ay nanatili lang ito sa posisyon niya.
Ito na. Nandito na yung taong isang linggo niyang iniiyakan. Nandito na yung taong nagpabago sa kanya. Nandito na yung taong pinaghirapan niyang kunin at alagaan.
Ito na. Nandito na ang kambal niya. Nandito na ang kapatid niya. Nandito na ang taong hindi niya inaasahan na magiging kapatid at kambal niya.
Andito na yung mundo niya, mundo niyang matagal niyang inikutan at inalagaan.
When Kim Wonwoo took a long glance at Kim Mingyu, he knows he lost it.
He lost him.
He lost Jeon Wonwoo on his arms.
Game over.
It's over for them. It's over for him.
Tears started to fall on Mingyu's cheeks, "S-Sabi ko hindi ako iiyak eh." Mingyu melted on the floor. He covered his eyes with his arms like a child who needs comfort and support. Ang hina mo, ang hina mo Mingyu. Tumayo ka diyan, tumayo ka.
Needles started to prick his heart. Little by little he can't breath, little by little it starts to hurt, "S-Sabi ko... S-Sabi ko hindi kita iiyakan. S-Sabi ko hindi kita iisipin. S-Sabi ko kakalimutan ko na lahat ng n-nangyari. P-Pero paano ba kita makakalimutan? Paano. Paano kung s-sa mata ko, hindi ikaw yung kambal at kapatid ko... kundi yung taong m-mahal ko? Paano ba kalimutan ang isang Jeon Wonwoo--" Napatigil sa pagsasalita si Mingyu, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakatakip sa mga mata niya at nagulat siya noong makita niyang nakaupo na rin si Wonwoo sa tabi niya. Nakatingin ito sa kanya ng may sakit at lungkot. Mingyu touched Wonwoo's cheeks, he carressed it and said these words full of agony and pain, "P-Paano ba tanggapin na si Kim Wonwoo ay kapatid ko?"
Sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi niya namalayan na sobrang higpit na ng yakap sa kanya ni Wonwoo. His Wonwoo. My Wonwoo.
Ang tagal nilang magkayakap sa sahig. Ang tagal nilang hindi umiimik. Wonwoo whispered onto Mingyu's ears that made him so hard to forget the memories they shared that needs to be forgotten, "I t-think I won't forget our love. But I-I need to, we need to."
《》
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...