029 || Ofiara

1.1K 74 16
                                    

DIALLING. . .
Line is now connected.

"It's 3 o' clock in the morning, make a wish."

"Anong kahibangan 'to Mingyu?"

"Ay grabe siya oh, galit ka na niyan?"

"Hindi naman. Ba't gising ka pa?"

"Ba't gising ka pa?"

"Kakagising ko lang. Ako dapat sinasagot mo, ba't gising ka pa?"

"Nagising ba kita?"

". . ."

"Woah. Lalim ng buntong hininga natin ah, muntik na ako malunod."

"Ewan ko sayo. Tulog na, Mingyu. May pasok pa mamaya. Bakit ba gising ka pa?"

"Iniisip kasi kita."

"Funny."

"Ay grabe."

"May sasabihin ka pa? Ibababa ko na 'to para makatulog ka na."

"Ikaw na nga lang nagpapatulog saakin, ibababa mo pa 'to? 'Wag muna, pwede? May sasabihin ako habang may katiting pa na confidence sa sarili ko."

"Okay."

"Teka, papabulaklakin ko muna ang pag-uusap na ito."

". . ."

"Ang cute talaga ng tawa mo. Nakahiga ka ba ngayon sa kama mo?"

"Hindi. Nakaupo ako ngayon sa kama ko. What's with the sudden compliments, Kim?"

"Ayaw mo ba, Jeon?"

"Wala akong sinabi."

". . ."

". . ."

"Sorry na nagising kita sa ganitong oras. May gusto lang sana ako sabihin sayo."

". . ."

"Ayos lang naman kung layuan mo ako pagkatapos ko 'to sabihin sayo, basta nasabi ko yung nararamdaman ko."

". . ."

"Ayos lang rin kung ma-friendzone ako pagkatapos nito, basta nasabi ko nararamdaman—tangina."

"Kim, anyare sayo? Ayos ka lang? Ano yung nabasag?"

"Wala naman, Jeon. Nabasag lang yung vase, natabig kasi ng kamay ko. Bwisit naman, panira ng atmosphere 'tong nabasag na vase."

"Pakibawasan ang katangahan. Hayaan mo nalang. Continue na."

"Ang lutong naman ng katangahan mo! Pero sige, ayos lang, pinapatawad na kita. Ayun nga, ayos lang kung ma-friendzone ako pagkatapos nito."

". . ."

"Pero syempre, ako si Kim Mingyu. Kasinungalingan lahat ng sinabi ko kanina. Hindi ayos saakin na layuan mo ako at ma-friendzone ako pagkatapos nito."

"Naguguluhan ako."

"Wonwoo. May gusto ako sayo."

". . ."

". . ."

". . ."

". . ."

". . ."

"G-Good. . . Mornight? Ibababa ko na 'to. Kung lalayuan mo ako, hindi yun ayos saakin. Pero kung yan yung desisyon mo, rerespetuhin ko. Sleep well, Jeon. Know that I like you."

"Teka Kim, Hindi kita—"

Call Ended.

"—Lalayuan."

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon