099 || Last Chapter

1.1K 61 7
                                    

THIRD PERSON’s POV

The sound of the beeping machine of the hospital surrounded the room.

Wonwoo, Jeonghan, Seungcheol and the gag trio are currently inside the room. Kanina pa nila binabantay si Mingyu na punong puno ng mga kableng nakadikit sa katawan nito. It's a little uncomfortable and uneasy to see Mingyu lying cold on the hospital bed. Kaya ang iba sa kanila, nililibang nalang ang sarili maliban sa pagtingin sa katawan ni Mingyu. Nakakapanibago nga dahil ang gag trio na sobrang ingay ay sobrang tahimik ngayon.

"Wonwoo, ayaw mo ba muna kumain? Hindi pa nagagalaw pagkain mo dito. Tsaka maligo ka na kaya muna? Naaamoy na kita." Pagsita ni Seungcheol kay Wonwoo na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama ni Mingyu.

Umiling si Wonwoo kahit alam niyang dalawang araw na siyang hindi naliligo. It has been 18 hours since Mingyu's operation, pero hindi pa rin siya nagigising. Kahit sobrang pagod at inaantok na si Wonwoo, he still tried to stay awake as much as possible. Nakailang inom na nga siya ng kape ngayong araw. Gusto niya kasing bantayan si Mingyu hanggang sa magising siya. Gusto niya, siya ang unang makikita ni Mingyu pagkagising niya.

It's 6:27 PM, and Mingyu is still not awake.

Just by looking at Mingyu, parang hindi mo na siya kayang iwan sa lagay niya. Mas lalo na kung hindi mo alam kung magigising pa ba siya o hindi.

Wonwoo gently touched Mingyu's hand, he carefully intertwined their fingers together, he was careful not to touch and put pressure on the needle and cables attached on Mingyu's hand. Wonwoo leaned his forehead on Mingyu's arm as if he's begging Mingyu to wake up. Gising na, Mingyu. Inaantok na ako.

Suddenly, someone knocked on the door. Narinig niyang nagdedebate pa ang mga kasama niya sa loob ng kwarto kung sino ang magbubukas. Gusto niya sanang sitahan sila na huwag maingay pero wala na siyang lakas para magawa ito. He wants to sleep yet he can't bring himself to a very deep slumber. He has this feeling of guiltiness whenever he feels like sleeping. Ang gusto lang talaga niya ay bantayan si Mingyu.

Narinig niyang bumukas ang pinto. Someone spoke, and it was enough for him to hear and recognize who's voice it was, Jihoon and Jisoo. He flinched when someone ruffled his hair. Hindi na niya tinignan pa kung sino iyon at nanatili nalang siya sa posisyon niya, he knows it's Jihoon dahil narinig niyang nagsalita ito, "Natulog ka na ba, Wonwoo?" Tanong ni Jihoon.

Umiling si Wonwoo, "Hindi pa, hihintayin ko pa magising si Mingyu."

"Kung hindi mo na talaga kaya, huwag mo pilitin. Kahit diyan ka na matulog, okay lang naman." Sagot naman nito.

Pumikit si Wonwoo. Bigla nalang siya napangiti dahil kitang-kita niya ang pag-aalala ng mga kaibigan niya sa kanya.

"Wonwoo?" Jisoo called.

"Hmm?"

"May binili kaming pagkain dito, baka gusto mo kumain."

"Iwan mo nalang diyan, mamaya na ako kakain."

"Okay."

Nagulat nalang siya noong naramdaman niyang may nagtaklob ng manipis na kumot sa likuran niya. Napaangat tuloy siya ng ulo at nakita niyang nakatayo si Jihoon sa likod niya. Jihoon smiled at him, "Tulog ka na muna. Kahit umidlip ka lang. Pwede mo naman isandal ang ulo mo diyan sa bakanteng parte ng kama."

Ngumiti si Wonwoo, "Salamat." At mas binalot niya pa ang sarili ng kumot.

Jihoon smiled and he ruffled Wonwoo's hair once again.

Iidlip lang ako, kahit saglit lang.

"Mingyu, matutulog muna ako." He whispered. He leaned his forehead on Mingyu's arm again, and he closed his eyes and slept.

-♡-

"Wonwoo? Wonwoo? Gumising ka na. Gising na si Mingyu." Wonwoo felt someone gently shaking his shoulder. Napaangat kaagad ang ulo ni Wonwoo noong ma-process ng utak niya ang sinabi ni Jihoon. Kahit inaantok pa ang kaluluwa niya ay pinilit niyang gisingin ang sarili niya.

His heart is currently beating wildly. Gising na si Mingyu.

Wonwoo quickly looked at Mingyu. Nakabukas na ang mga mata niya, and he's currently looking at Wonwoo too. Ngumiti si Wonwoo, he noticed that the corner of Mingyu's lip is moving up, but the endotracheal tube that is attached on Mingyu's mouth restricted him to smile.

Napatingin si Wonwoo sa paligid niya at nakitang halos lahat ng mga kasama niya sa kwarto ay knock out na sa sofa at maliit na kama na nandito sa loob ng kwarto. Tanging si Jihoon, Wonwoo at Mingyu lang ang gising ngayon.

"Jihoon, anong oras na?" Tanong ni Wonwoo.

Jihoon quickly checked his wrist watch, "10:30 na."

"Thank you. Tumawag ka na ba ng doctor?"

"Yup, papunta na yung mga 'yon. Si Jisoo kasi nagtawag."

"Salamat."

Wonwoo quickly put his attention to his Mingyu, "Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Inayos pa ni Wonwoo ang manipis na kumot na nasa ibabaw ng katawan ni Mingyu.

Dahil hindi makasalita si Mingyu, dahan-dahan nalang niyang itinaas ang kamay niya at nagpakita ng thumbs up sign. Wonwoo smiled at Mingyu's response.

Napansin naman ni Wonwoo na magkahawak pa rin ang mga kamay nila. Mingyu is holding it tight. Wonwoo gently squeezed Mingyu's hand.

Hindi niya alam pero biglang nalang niyang naramdaman na may tumutulo nang luha sa mga mata niya. He's somehow relieved to know that Mingyu is really okay now, maayos na ang puso niya, hindi na siya mahihirapan na huminga at magagawa na niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon. Maybe it's tears of joy.

Nagulat nalang si Wonwoo noong inalis ni Mingyu ang magkahawak nilang kamay. Suddenly, Mingyu wiped Wonwoo's tears away. He was deeply moved by the action, na kahit medyo nahihirapan gumalaw si Mingyu, he still managed to wipe away the tears flowing down on Wonwoo's cheek.

He held Mingyu's hand again and thought that, maybe, this is the start of their new life.

Life will be better, starting from this moment.

-♡-

epilogue next! ♡

epilogue next! ♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon