005 || Ofiara

2K 93 74
                                    

MINGYU's POV

Kanina pa ako naghahanap. Kanina pa ako naiinis. Tsk, wala ba talagang maliit na martilyo dito? Nakaka-frustrate naman. Eh isang oras nalang papasok na ako.

"Manang! Wala po ba talaga tayong maliit na martilyo dito sa bahay?" Sigaw ko habang nangangalkal ako dito sa storage room kung saan nakalagay ang mga tools pang-bahay.

"Mingyu, pang-ilang beses mo na bang tanong yan? Kanina ko pa sinabing wala. Nako talaga ang batang ito, ano bang gagawin mo doon?" Tanong saakin ni Manang mula sa kusina, yung nag-alaga saakin simula nung bata palang ako.

Lumabas ako ng storage room at pumunta sa dinner room. Siguro kakain nalang ako, imbes na maghanap ng bagay na wala naman sa bahay namin.

Umupo ako at linagyan ng kanin ang plato ko. Nakita kong lumabas si Manang sa kitchen habang may hawak na plato na puno ng bacon, "Manang! Napagplanuhan ko lang pong maging karpentero sa school." Biro ko.

LInapag ni Manang ang plato sa hapagkainan at lumapit saakin. Hinampas niya ako ng mahina sa balikat ko, "Next time na magbibiro ka siguraduhin mong matatawa ako." Tapos hinaplos niya yung buhok kong basa pa dahil kakaligo ko lang kanina.

"Sorry na po. Pagpasensyahan niyo na ang ka-cornihan ng alaga niyo." Sabi ko habang natatawa ng mahina.

"Ayos lang, ito naman sanay naman na ako sa mga jokes mo. At Mingyu, Mag-blow dryer ka ng buhok bago ka umalis ng bahay. Sasakit ang ulo mo niyan." Tumango ako sa kanya at nag-thumbs up sa kanya.

"Opo!" Sabi ko. Nakatayo lang si Manang sa tabi ko at pinapanood akong kumain. Habang kumakain ako hindi ko maiwasang isipin na sabihin kay Manang yung balak kong pag-confess kay Wonwoo.

Mapapagkatiwalaan naman siya. Pero ang tanong, tatanggapin niya kaya ako? Si Jeonghan lang ang may alam na hindi ako straight pero tinanggap na kaagad niya ako. Ang prinoproblema ko lang ay si Daddy at Mommy. Baka hindi nila matanggap. Considering na anak ako ng mga mayaman na bussiness man sa Pilipinas.

They'll expect me to marry one of their bussiness partner's daughter, or worse, arranged marriage. Napa-buntong hininga nalang ako sa naisip ko.

Ipagdasal nalang natin na hindi yun mangyari. Cliche na nangyayari 'to sa mga mayayaman na tao, pero sana, sana talaga hindi mangyari 'to saakin.

At sa kalagitnaan ng pagkain ko ng breakfast, naalala ko si ate. Ah! Naalala ko may ate nga pala ako. Gaano man ako naiinis sa babae na yun, mahal ko pa rin si ate Krystal. Kapag siguro sinabi ko yung sexuality ko baka matuwa pa yun. Oo, matutuwa. Matagal na kasi niya saakin binabanggit at tinatanong kung straight ba ako o hindi. Alam mo yun? Parang alam na niyang may iba saakin sa simula palang, binibigyan niya lang ako ng signs na mahanap ang totoong sagot.

Tapos naalala ko, hindi ba ngayon ang dating ni ate galing Paris? Nakauwi na kaya yun? "Manang! Naalala ko, andito na ba si ate Krystal?" Tanong ko.

Umaliwalas ang mukha ni Manang, "Ay, oo nga pala! Naalala kong binanggit ng ate mo kagabi pagdating niya na puntahan mo siya sa kwarto niya bago ka pumasok sa school niyo. May ibibigay ata, alam mo naman na mahilig yun mag-uwi ng pasalubong sayo."

Tumango ako, "Sige po."

Dali-dali kong kinain ang breakfast ko. Nung matapos akong kumain, tumaas kaagad ako sa second floor ng bahay at pumunta sa harap ng pinto ni ate. Kumatok ako ng sobrang lakas tapos binuksan ko ang pinto.

Bumungad saakin ang malaking kwarto ni ate. Black and white ang theme ng kwarto ni ate, kaya pagkapasok mo palang mararamdaman mo na ang salitang relaxation. Malinis kwarto ni ate kaya mahilig ako tumambay dito sa kwarto niya. Yung kwarto ko kasi red and black ang theme. Dark at hindi ka makakapagrelax. Gusto ko nga palitan ng grey and white para naman maiba, kaya lang sobrang tamad ko naman magpinta.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon