MINGYU's POV
Sobrang lungkot ng panahon ngayon. Hindi umuulan pero umagang-umaga madilim na. Mahamog rin ang paligid tapos sobrang lamig at mahangin pa.
Nandito ako ngayon sa kotse at kasalukuyan akong tumitingin sa labas habang may hawak akong kape na galing starbucks. Papunta kami ng school ni ate. Nag-volunteer siyang ihatid ako dahil day off niya ng isang linggo sa trabaho niya kaya ito siya ngayon, inaasikaso ako kahit kaya ko naman gawin yun sa sarili ko. Hinayaan ko nalang si ate, ginusto niyang gawin yun eh.
Tumingin ulit ako sa labas, nasa tapat na pala kami ng gas station, ibig sabihin malapit na kami sa school. Traffic sa dinadaanan namin kaya na-stuck kami dito. Hindi gumagalaw yung linya kaya naghihintay kami na umaandar ulit ang mga sasakyan.
"Mingyu, pakilala mo naman saakin yung nililigawan mo. Nagsimula ka na bang dumamoves, huh?" Tanong ni ate saakin kaya napatingin ako sa salamin na nasa harap para makita ko siya. Dito kasi ako sa likod nakaupo, kung tatanungin niyo kung bakit--
"Ay, may nililigawan kapatid mo?" Kakasabi lang diba? Hilig talaga sumabat ng lalaking 'to.
"Sehun, kinakausap ko si Mingyu. Teka lang huh? Mamaya ka na-" hindi ko nakita reaksyon ni Sehun dahil nasa likod nga ako tapos tumingin na ulit si ate saakin gamit yung salamin, "So ano? May ginawa ka na?" Nakangiting tanong ni ate.
Umiling ako, "Hindi muna? 'Di pa kami magkakilala masyado eh. Ni hindi pa kami nag-usap ng matagalan. Pero ate binigyan ko siya ng chocolate." Sabi ko.
Syempre hindi ko binanggit na yung binigay na chocolate ni Sehun kay ate ay binigay ko sa mga kaibigan ni Wonwoo at sa kanya. Nandito yung nagbigay, baka ma-hurt. Kawawa naman.
"Ay ganon? Ano ba yan, excited pa ako sa damoves mo eh haha."
"Hintay lang, darating din tayo diyan." Confident na sabi ko sabay inom ng kape.
"Goodluck, support kita diyan." Tapos tumahimik na ulit kami. Tapos biglang nagsalita si Sehun na kanina pa tahimik dahil sa ginawa ni ate sa kanya kanina.
"Sino nililigawan mo Mingyu?" Tanong niya.
Umirap ako sa isipan ko, chismosong bulol. "None of your bussiness." Masungit kong sagot at tumingin muli sa labas.
"Sungit talaga ng batang 'to. Sigurado ka bang kapatid mo 'to Stal?" Sarkastikong tanong niya kay ate.
"Tumahimik ka, kung ayaw mong palabasin kita dito sa sasakyan." Pagbabanta ko.
"Chill lang Gyu, malapit ko na rin kasi gawin yan." Sabi pa ni ate. I smirked.
"Grabe talaga 'tong mga 'to! Ba't ba ang sungit niyo saakin?!" Reklamo niya. Yung boses niya kunyari naiiyak pa.
"Sorry, private matter." Sabay na sabi namin ni ate Krystal, natawa tuloy kami bigla sa pagsasabay namin.
"Shh Gyu, quiet ka lang diyan ah." Sambit ni ate at natingin sa salamin.
Tinaas-baba ko ang kilay ko habang nakatingin kay ate sa salamin, "Maasahan mo, Mingyu ata 'to." At ngumiti ako kay ate.
"Sige, pagpatuloy mo lang yan little bro."
"Tsk, 'di nalang pala sana ako sumama sa inyo, ano?" Sabi ni Sehun.
"Oo nga eh." Pag-approve ko sa sinabi niya.
Pagkatapos non, napatahimik nanaman kaming tatlo.
Tumingin nalang ulit ako sa bintana at uminom sa hawak kong paper cup, pero nung akmang iinom na ako bigla naman akong nakakita ng isang napaka-pamilyar na taong naglalakad sa sidewalk.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...