063 || Ofiara

810 57 1
                                    

DIALLING. . .
Line Connected.

"Broooooo."

". . ."

"Namiss kita, uy. Kamusta ka na?"

". . ."

"Mingyu."

". . ."

"Nagtatampo ka ba?"

". . ."

"Nagtatampo nga."

". . ."

"Sorry hindi kita na-contact for two months, pumunta kasi ako ng Italy tapos bumalik pa ako sa Paris."

". . ."

"Blinock pa ni Daddy number mo sa cellphone ko. Hindi ko alam kung ano bang sorcery ginawa niya, hindi kita ma-unblock. Alam mo naman yun, gagawin ang lahat para hindi mo ako makausap."

". . ."

"Mingyu, magsalita ka naman. Patawarin mo na si ate."

". . ."

"Ganyanan?"

". . ."

"Mingyu naman. Sorry na."

". . ."

". . ."

"Ate, libre mo ako ng pagkain galing sa Volante. Naiiyak ako, miss ko na mga pagkain dun. Hindi ko na afford bumili ng mga pagkain na mamahalin."

". . ."

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

". . ."

"Ate naman eh, napapahiya ako sa tawa mo."

"Sorry, bro. Papatawarin mo na ba ako kapag nilibre kita diyan?"

"Oo, bigyan mo na rin kami ng pang-date ni Wonwoo."

"Sure."

". . ."

"Sunduin ko kayo ni Wonwoo sa school after classes. Yun lang ba bilin mo?"

"Opo."

"Okay, sige."

"Ate, may tanong ako. Sagutin mo habang vacant ako."

"Ano yun?"

"Mali ba ginawa ko?"

"Ginawa saan?"

"Mali ba na mas pinili ko si Wonwoo kaysa sainyo?"

"Hindi."

". . ."

"Kasi kung ako yan, ipapaglaban ko rin yung taong mahal ko."

". . ."

"What's wrong with fighting for someone you love, Mingyu? You just followed what your heart wants—kahit alam mong marami kang masasakripisyo sa sarili mo sa panahon na pinili mo si Wonwoo. Tignan mo nga ang pinagbago mo, you changed because of Wonwoo. You became a little independent on yourself. Nagtrabaho ka para magkaroon ng sariling pera. Ginawa ang lahat para mabuhay kayo sa two months na magkasama kayo, you even risked your health just for the sake of being with him."

". . ."

"Walang mali dun, Mingyu. Kelan pa naging mali na ipaglaban mo ang taong mahal mo?"

". . ."

"You know how much of a perfectionist our parents when it comes to reputation. Mabuti na humiwalay ka sa pamilya na 'to just for a few months. Kasi alam ko kung gaano kasakal sila Dad, Mingyu."

". . ."

"Nakalimutan mo atang nagrebelde rin ako dati nung panahon na hindi nila ako pinayagan na maging fashion designer. They even set up an arranged marriage for me pero mabuti nalang hindi natuloy dahil sa tulong ni Sehun. So don't feel bad sa ginawa mo, Mingyu. Walang mali dun, huh?"

"O-Opo."

"Oh, singhot ka nanaman ng singhot diyan. Suminga ka. Nako 'tong batang 'to, ang babaw talaga ng luha."

"E-Eh, sorry na. Nababagabag kasi ako sa mga nasa isip ko eh."

"Okay lang yan, Mingyu. Huwag ka lang masyadong negative. Alalahanin mo ang sinabi ko na negative energy—"

"—ruins your positive energy."

"Good. Yun lang ba tanong mo? Na-enlighten ka na ba?"

"Yup, thank you ate."

"Oh, wipe your tears at maghilamos pagkatapos nito. Bye Mingyu, see you later."

"Bye ate, salamat."

Call Ended.

←→

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon