2:25 PM
Mingyu: wonwoo, nasa klase ka pa ba?
Wonwoo: oo, bakit?
Mingyu: maaga kasi kaming pinalabas, puntahan na kita sa room niyo? saan ka?
Wonwoo: sigurado ka?
Mingyu: oo, five minutes nalang naman diba?
Wonwoo: sige, nasa room 217 ako.
Mingyu: hihintayin kita
Seen 2:26 PM
2:32 PM
Wonwoo: nasan ka na?
Mingyu: tingin ka sa kaliwa mo
Wonwoo: huh? wala ka naman
Mingyu: joke, sa kanan mo pala. sorry, no sense of direction kasi ako hehe
Wonwoo: wala ka pa rin
Wonwoo: mingyu
Wonwoo: nasan ka, seryoso? 'wag mo ako lokohin, hindi ako nakikipaglokohan sayo.
Wonwoo: ikaw ba nagbato ng papel?
Wonwoo: mahilig ka ba talaga mantrip?
Mingyu: ay, ay. galit ka na niyan? joke lang!
Mingyu: trip kita ngayon kaya tingin ka sa likod mo hehe
Wonwoo: nakita na kita
Mingyu: ngiti ka naman diyan! :--(( joke lang yung kanina eh
Wonwoo: ayoko sa lahat yung niloloko ako
Mingyu: hala, sorry na po :( 'di na mauulit promise. nakalista na 'to sa utak ko, "things not to do with jeon wonwoo"
Wonwoo: ewan ko sayo
Wonwoo: halika na
2:39 PM
Mingyu: gRABE NAMAN, UY NGITI KA NA, MAS BAGAY MO
Mingyu: hindi yung naka-expressionless face ka palagi
Mingyu: ANG BILIS MO MAGLAKAD
Mingyu: TEKA LANG, HINTAYIN MO NAMAN AKO. MAHINA ANG KALABAN EH.
Mingyu: hala, hindi ko alam ganito ka katampuhin?
Wonwoo: bilisan mo maglakad
Mingyu: :((((
Mingyu: grabe naman, i canceled my schedule with someone para lang masamahan ka sa vacant mo tapos ganito pala ang mangyayari
Seen 2:43 PM
Mingyu: ayan, tumigil ka rin sa paglalakad
Wonwoo: sorry
Mingyu: ayos lang
Wonwoo: ayoko lang talaga ng naloloko
Wonwoo: napapahiya kasi ako
Mingyu: sorry wonwoo. 'di na mauulit promise.
Wonwoo: hindi ka pa ba lalapit saakin?
Mingyu: hindi mo pa ako pinapatawad :(((
Wonwoo: lapit na, pinapatawad na kita
Seen 2:46 PM
-
"Wonwoo, sorry." Sabi ko kaagad nung makalapit ako sa kanya. Sobrang nanghinayang ako sa ginawa kong pagpapapansin sa kanya. Tsk, wrong move Mingyu, ano bang pumasok sa isip mo?
Nakita ko naman na tumango lang siya saakin tapos nagsimula na siyang maglakad. Sinundan ko naman siya.
Nagtatampo talaga siya saakin.
Paano ba suyuin ang isang Jeon Wonwoo? Ah, hindi ako expert sa ganito! First day na first day kung kelan ko siya makakasama at makakausap ng matagal tapos gumawa pa ako ng kalokohan na naging dahilan ng pagtatampo niya saakin.
"Wonwoo, ngiti ka naman. Hindi convincing pagpapatawad mo saakin eh." Pangungulit ko.
Tumigil nanaman siya sa paglalakad at tumingala saakin, "Punta tayo sa café library." Naramdaman ko pang medyo hinila niya pa ang dulo ng sweatshirt ko.
Iniwasan niya yung sinabi ko sa kanya.
Ngumiti nalang ako, "Sige, halika na. Sayang oras eh." Tapos hinawakan ko ang pulso ng kanang kamay niya at hinila siya ng marahan papalapit saakin.
Habang naglalakad kami, hawak ko lang yung pulso niya. Hindi niya naman inaalis ang kamay ko sa pulsuhan niya, hindi ko rin naman inaalis ang hawak ko sa kanya. Nararamdaman kong medyo nag-iinit na ang pisngi ko sa bawat hakbang na ginagawa ko at habang patagal ng patagal ang paghawak ko sa kanya.
"Mingyu." Tawag niya.
Tumingin ako sa kanya, "Yep?"
"Sorry. . . and thank you." At sa isang sandali, ngumiti siya ng konti saakin na dahilan kung bakit napangiti rin ako.
Ayos na, ganon lang pala.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...