046 || Ofiara

1K 59 7
                                    

MINGYU‘s POV

“Ayan, kumpleto na.” Sambit ko sa sarili ko habang sinusuot ang bag pack ko. Hinila ko na rin yung maliit ko na maleta sa tabi ko at naglakad palapit sa salamin dito. Tinignan ko ang sarili ko at inayos ang dapat ayusin. Inayos ko yung buhok ko. Medyo nagpagwapo pa ako sa harap ng salamin kahit medyo nagmumukha akong tanga.

Inamoy ko naman ang sarili ko. Tinaas ko ang kamay ko at inamoy ang braso ko. Nagpabango naman ako ng paboritong pabango ni Wonwoo na palagi niyang sinasabi na gamitin ko kaya pwedeng pwede na.

Tinignan ko ang suot ko. Simpleng t-shirt na puti at black tattered na tight jeans. 'Di ako pumili nito, pumasok kasi si ate ko sa kwarto ko kanina. Nakita niyang nahihirapan ako pumili ng damit kaya siya na yung naghugot ng damit sa closet ko at binigay nalang saakin. Sinuot ko nalang, wala akong choice. Kesa naman sa abutin ako ng ilang oras sa kakahanap ng damit kung may napili na si ate.

Pagkatapos ng pagpapagwapong ginawa ko, tinignan ko ang orasan at nakitang 10:30 na pala. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at napangiti nung makita ko ang wallpaper ko. Selca ni Wonwoo kanina lang bago kami kumain ng lunch kanina. Kinakalikot niya kasi phone ko tapos nung binalik na niya cellphone ko nakita ko nalang na siya na wallpaper ko.

"Mingyu! Buksan mo yung pinto, dali!" Ano nanaman kaya 'to? Boses ni ate yun.

Pumunta ako sa pinto ng kwarto ko at binuksan iyon, nagulat naman ako nung hinila nalang ako bigla ni ate, "Uy, uy. Teka kalma! Ano bang meron?" Tanong ko sa kanya.

"Si Dad! May gusto daw ipakita sayo." Hindi naman mukhang may masamang balita, mukhang ang saya-saya pa nga niya.

“Ano ba yun?” Matamlay kong tanong habang nagpapahila sa kanya. Naglalakad na kami pababa ng stairs hanggang sa mapunta kami sa first floor ng bahay.

“Basta.” Sabi ni ate. Lumingon pa siya saakin saglit at nginitian ako. Dumiretso kaming dalawa sa main living room ng bahay at nadatnan namin doon sina Mom at Dad na magkatabi sa sofa. Napalingon naman silang dalawa nung biglang sinabi ni ate na nandito na ako.

Tumayo silang dalawa at nginitian ako, I awkwardly returned a smile, "Bakit po?" Tanong ko.

Dad crossed his arms at nagsalita, "Nabalitaan ko pupunta ka ng Batangas para mag-celebrate ng birthday mo kasama ang mga kaibigan mo. Since I won’t see you tomorrow—" Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at nagulat nalang ako nung binato niya iyon saakin, buti nalang nasalo ko yun kung hindi sapul yun sa mukha ko, "—Ibibigay ko na yan sayo." He added.

I curiously looked at the thing on top of my palm, bumilis naman ang tibok ng puso ko nung makita ko na susi yun. Susi ng sasakyan. Holy, huwag mo sabihin—

Tinignan ko si Dad, “Dad, seryoso?” Hindi makapaniwalang sabi ko habang may ngiti sa labi ko.

Dad smiled, "I'm serious, Mingyu. Nasa labas ang kotse, you might want to check it out."

I suddenly felt giddy and excited. Lalabas na sana ako palabas para tignan ang kotse pero Mom stopped me, may binato rin siya sa akin. Ah, ang hilig talaga nila magbato, hindi ba pwedeng abutin nila ng tama?

Nasalo ko yun at pagkakita ko susi nanaman ito. I examined the key at na-realize na susi ito ng condo, tinignan ko si Mom tapos ngumiti siya saakin, “Para kapag nagsawa ka na dito sa bahay, pwede ka na tumira diyan.”

I don’t know how to feel. Ni hindi ako makasalita, "Thank you." Yun lang ang tanging nasambit ko.

Lumapit saakin si Mom at yinakap ako, bago siya humiwalay bumulong pa siya saakin ng happy birthday. Si Dad naman tumingin lang saakin at nginitian ako, "Happy birthday, son." Sambit niya.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon