8:46 PM
Wonwoo: Magkano allowance mo per week, Babe?
Mingyu: Bakit?
Wonwoo: Wala, gusto ko lang malaman. Pansin ko kasi ang gastos mo sa pera.
Mingyu: 10k allowance ko per week.
Wonwoo: Ilan nagagastos mo sa isang araw?
Mingyu: Uhmm, hindi ko alam? Pero umaabot minsan ng mga 2k?
Wonwoo: Sa 10k mong allowance per week, may natitira ba?
Mingyu: Teka, ba't mo ba tinatanong 'to Baby? Gusto mo hati nalang tayo sa allowance ko?
Wonwoo: No, hindi ako gold digger para tanggapin offer mo.
Wonwoo: Hindi yun ang gusto ko. Dapat marunong ka mag-ipon, Babe. Hindi yung gastos ka lang ng gastos.
Mingyu: Pinapagalitan mo ba ako?
Mingyu: (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: Hindi naman sa ganon, gusto ko lang kasi na marunong kang mag-ipon. Paano nalang sa future? Baka gastos ka ng gastos, wala nang natitira.
Mingyu: Sorry na Baby. Nakasanayan ko na kasi gumastos ng sobrang laki eh.
Wonwoo: Babe
Wonwoo: Gusto mo ako maghawak ng allowance mo? Tuturuan kitang mag-ipon. Pero 'wag ka mag-alala, hindi ko naman yun kukunin o gagamitin eh.
Mingyu: No need to say that, pinagkakatiwalaan naman kita diyan pero—
Mingyu: (ㆀ˘・з・˘)
Mingyu: Baka 'di ako maka-survive 😣
Wonwoo: Kaya mo yan, self discipline lang Babe.
Wonwoo: Ayaw ko kasing waldas ka ng waldas ng pera. Kahit marami kayong salapi dapat nag-iipon ka pa rin.
Mingyu: Sa bagay
Mingyu: Pero talaga bang. . .
Wonwoo: Ayos lang naman kung ayaw mo, hindi naman kita pinipilit. Pero gusto ko lang kasi yung makakabuti sayo kaya mas maganda kung papayag ka.
Mingyu: Hmmm
Mingyu: Sige
Wonwoo: Yung nagagastos mong 2k sa isang araw? Gagawin kong 500 nalang sa isang araw. Yung matitira gagawin nating ipon mo.
Mingyu: 😱
Mingyu: Paano yun? Eh hindi pa kasya pagkain ko dun sa isang araw!
Wonwoo: Kaya nga tuturuan kita diba?
Wonwoo: Dapat natututo ka na ring kumain sa mga kainan na mura lang
Wonwoo: Hindi yung puro ka fastfood at restaurant
Mingyu: Baby naman (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: Hindi kita pinipilit dito, Babe. Paunti unti kitang tuturuan.
Wonwoo: Promise, this will work. 😊
Mingyu: Hindi ba madumi dun sa mga karinderya. . .
Wonwoo: Hindi. Sa'n mo ba nakukuha yung mga yan? Malinis kaya dun. Tignan mo nga yung mga kaibigan mong mayaman rin, nakikita mo naman sigurong kumakain rin sila dun diba?
Mingyu: Oo (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: Alam mo yung mga meryenda mo na nabibili mo kapag kasama mo ako na worth 200? Magiging 50 nalang yan kapag naturuan kita.
Mingyu: Huwag mo sabihin dadalhin mo ako dun!
Mingyu: Ayoko na dun!
Wonwoo: Anong dun?
Mingyu: Dun sa alam mo na huhu
Wonwoo: Ah, yung streetfoods ni Kuya Kanor?
Wonwoo: Pwede rin hehe
Mingyu: KAILANGAN KO NA MAGREADY
Mingyu: Wonwoo ko please, make me survive. (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: I will
Wonwoo: Hindi naman kita gugutumin, 'wag ka mag-alala.
Mingyu: Start na ba bukas?
Wonwoo: Pwede rin, o kaya naman next week.
Mingyu: Pwede next week nalang?
Wonwoo: Oo
Mingyu: Magri-ready na muna ako Baby (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: Kaya mo yan! Ikaw pa.
Mingyu: Pwede pasabi ng goodluck saakin?
Wonwoo: Demanding
Mingyu: Request yun, hindi demand (ㆀ˘・з・˘)
Wonwoo: Edi request
Wonwoo: Goodluck Babe! Kaya mo yan, promise. Ikaw pa 💕
Mingyu: 😇😇😇
_
oh look, wonwoo will teach mingyu to eat streetfoo— jokes, will teach how to save money kasi yun hahaha. mamaya baka duguin nanaman ang isang ‘to HAHA
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...