THIRD PERSON's POV
"Mingyu, tumigil ka na nga sa pag-iinom. Araw-araw ka nalang umuuwing ganyan." Sermon ni Wonwoo kay Mingyu. Mingyu is currently on the comfort room, he's obviously vomiting. Habang si Wonwoo naman ay nakakunot noong nakatingin kay Mingyu. Gusto niyang tapikin ang likod ng kapatid ngunit pinili niyang hindi na. Pagod na siyang ginagawa ito araw-araw sa tuwing umuuwi si Mingyu.
"T-Titigil na." Mingyu wiped his mouth with a face towel. Pagkatapos ay inakbayan niya si Wonwoo at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ni Wonwoo.
Wonwoo suddenly felt irritated when he felt the weight of Mingyu on his shoulders. Unang una, sobrang inaantok na siya. Nagising lang siya dahil madaling araw na madaling araw, nambulabog si Mingyu. Pangalawa, naiinis siya. Naiinis siya dahil sa sitwasyon nila ngayon, ito ang dahilan kung bakit umiinom palagi si Mingyu. Pangatlo, tatlong araw nalang kasi, kasal na ni Mingyu.
"Umayos ka nga." Inalis ni Wonwoo ang pagkakapatong ng ulo ni Mingyu sa balikat niya. He let Mingyu's arm rest on his shoulders. Pagkatapos ay inalalayan niya si Mingyu papunta sa kama niya.
He removed Mingyu's coat, shoes and socks. Pagkatapos ay kinumutan niya ito. Wonwoo was about to leave Mingyu, pero naalala niyang sesermonan pa pala niya ito, "Mingyu."
"Hmmm?"
"Umayos ka."
"M-Maayos naman akong nakahiga ah?"
"Umayos ka, sabi. Huwag mong sabihin na ganyan ipapakita mo sa taong mapapakasalanan mo. Huwag ka sanang maging lasinggero. Kawawa naman yung magiging asawa mo--"
"H-Hindi na nga iinom diba! Sinusulit ko lang naman eh. Sinusulit ko lang naman yung mga araw na single pa ako, yung wala pa akong responsibilidad, yung may konting kalayaan pa ako. Kasi sa susunod na tatlong araw, siguradong hindi ko na magagawa yung mga kadalasan kong ginagawa. Linalabas ko na nga lang sakit at hinanakit ko sa alak, p-pipigilan mo pa ako? Nasasaktan na nga ako eh. Nasasaktan ako Wonwoo kaya umiino--"
Wonwoo can't help but shout at him, "Hindi lang naman ikaw yung nasasaktan, Mingyu! Pati rin naman ako ah? Nasasaktan nga ako oh, pero umiinom ba ako? Hindi naman diba? Pwede mo namang ilabas 'yang sakit at hinanakit mo sa ibang paraan, hindi yung dinadaan mo nalang sa alak. Nag-aalala lang naman ako sayo eh, nag-aalala lang ako na baka maidala mo pa 'tong ugali mong 'to sa oras na kasal ka na." Wonwoo stopped. Wonwoo stopped when he heard Mingyu sniffing. Umiiyak nanaman ang kumag na 'to, araw araw nalang.
"H-Hindi na. Hindi na ako iinom. Lumayas ka na s-sa kwarto ko, matutulog na ako." Nagtaklob ng kumot si Mingyu.
Wonwoo suddenly felt guilty. But he hoped that all the words he uttered a while ago will not go into waste.
Nag-aalala lang naman ako.
《》
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...