086 || Ofiara

904 55 39
                                    

THIRD PERSON's POV

"Mingyu, huwag ka munang magsusuka. Hintayin mong makarating tayo ng bahay."

"A-Anong *hik* gagawin ko? Lulunukin ko?"

"Kadiri naman. Pigilan mo muna, huwag mo lunukin." Naramdaman ni Wonwoo na mas humigpit ang kapit sa kanya ni Mingyu. Wonwoo is carrying Mingyu on his back. He's giving him a piggy back ride. Amoy na amoy ni Wonwoo ang hininga ni Mingyu mula sa likod, nakapatong kasi ang baba ni Mingyu sa balikat ni Wonwoo. Mukhang mahihilo pa ata siya sa amoy alcohol na hininga ni Mingyu.

"Okay, pipigilan ko." Nagpatuloy sa paglalakad si Wonwoo. Naramdaman niyang pinulupot ni Mingyu ang mga kamay niya sa leeg niya. Blood started to rushed on Wonwoo's face. Tumibok ng sobrang bilis ang puso niya. Gusto niyang bitawan na si Mingyu para hindi niya maramdaman ang dapat hindi maramdaman para sa kanya.

Pero titiisin niya, malapit naman na sila sa bahay. Malapit na, konting lakad nalang-- "B-Buti pa 'to napipigilan ko. P-Pero paano ba pigilan nararamdaman ko para sayo?" Malungkot na sambit ni Mingyu.

Napatigil sa paglalakad si Wonwoo. Hindi ko rin alam, paano nga ba?

Wonwoo slowly turned his head, saktong napatapat ang mukha niya sa pisngi ni Mingyu, giving Mingyu an accidental kiss on his cheeks. Napalunok si Wonwoo sa nagawa niya, agad siyang napaharap at nagpatuloy sa paglalakad.

"H-Hinalikan *hik* mo ba ako?" Agad na napailing si Wonwoo.

"Hindi, hindi kita hinalikan." Depensa ni Wonwoo.

"Alam mo ba yung dahilan, k-kung bakit ako uminom? May dalawang rason. Gusto mo ba malaman?" Alam ni Wonwoo na isa siya sa dahilan kung bakit uminom si Mingyu. Pero ano nga ba yung isang dahilan?

Hindi pa sumasang-ayon si Wonwoo pero sinimulan nang sabihin ni Mingyu ang dahilan, "Pinakaunang rason? Dahil sayo. D-Dahil sayo Wonwoo. Gusto ko sana na kahit saglit lang, maalis muna ng konti yung sakit na nararamdaman ko, pero mukhang m-mas sumakit. Mas sumakit yung nararamdaman ko." Unti-unting may pumapatak na tubig sa balikat ni Wonwoo. Akala niya ulan pero naalala niya si Mingyu lang pala 'yon. Tama na, nasasaktan ako.

"Sshh, umiiyak ka nanaman." Pagtahan ni Wonwoo kay Mingyu.

"S-Sorry huh? S-Sorry kung naabala kita. Sorry kung hindi ko mapigilan nararamdaman ko sayo. M-Mahal pa rin kasi kita." Umiiyak na sabi ni Mingyu.

Wonwoo's chest started to feel heavy. Hearing Mingyu's cracking voice makes his heart crack too. Hindi niya alam ang sasabihin niya kaya nanatili siyang nakikinig lang kay Mingyu. Baka kasi kapag nagsalita siya, hindi na rin niya mapigilan ang luha niya at baka tumulo nalang ito ng tuluyan. So he remained quiet. He remained silent.

"Pangalawang dahilan. A-Alam mo bang kinausap ako ni Dad, tapos sabi niya na ipapa-arranged marriage niya daw ako. Naudlot daw kasi yung dapat na arranged marriage kay ate kaya saakin niya ipapasa." Wonwoo stopped walking, "Tapos alam mo yung sabi ko? Sabi ko na, sige, papayag ako. Tapos Wonwoo, kaya lang naman ako p-pumayag kasi gusto ko na rin talaga na kalimutan ka. I-I'll just use this as an advantage to forget about you." Nagpatuloy ulit si Wonwoo sa paglalakad.

"Sabi pa niya, matagal na palang na-arrange ang marriage namin, hinintay lang talaga ni Dad yung tamang tyempo na tanungin ako. Kaya bukas ipapakilala na niya yung taong ipapakasal saakin. Tapos, next month na kaagad kasal namin."

Alam ni Wonwoo na maganda ngang kalimutan na ni Mingyu ang lahat ng nangyari sa kanila. Pero bakit ba sumasakit yung dibdib niya ngayon? Bakit ba nagseselos siya. Bakit ba sinasabi ng puso niya na sabihin kay Mingyu na huwag na ito ituloy?

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon