MINGYU'S POV
"Yung mama ni Wonwoo nagtatrabaho bilang mananahi. Alam mo yung building na malapit sa public market na merong mga pwestong nagtatahi, mga iba't ibang stores tapos mga parlor pa? Dun nagtatrabaho mama niya." Sabi ni Jeonghan.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakaupo kami sa bean bags, may table na maliit sa gitna namin. Nasa kabilang dulo siya kaya magkaharap kami.
Kumuha ako ng isang pizza sa box nito na dala ni Jeonghan kanina, kumagat ako sa pizza ko.
"Meron pa? Yan lang ba nakuha mo ngayon?"
"Ah, ito pa! May nakababatang kapatid si Wonwoo na babae, seven years old ata o six years old? Minsan si Wonwoo ang naghahatid at nagsusundo sa kanya sa school niya." Tumango ako sa kanya. So parehas kaming may kapatid na babae.
"Napuntahan niyo ba ni Jisoo yung pwesto nila?" Tanong ko.
Tumango siya, "Oo, siguro kapag pumunta ka dun hindi ka makakatagal. Kilala kita Gyu, hindi ka makakatagal sa lugar na crowded, basa pa ang floor dahil sa mga benta nila tapos medyo maamoy pa dun. Maiingay pa mga tao dun, kasi alam mo na, palengke eh."
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Maarte talaga akong nilalang eh. Tama, hindi ako makakatagal dun pero, "Punta tayo dun bukas, Han. Kaya ko naman siguro mag-sakripisyo muna."
Medyo nagulat si Jeonghan sa sinabi ko, "Aber, at bakit ba interesadong interesado kang pumunta dun?"
Oo nga, bakit nga ba? Nag-isip muna ako ng pwedeng dahilan bago sinagot si Jeonghan, "Syempre, liligawan ko yung tao eh. Gusto ko rin naman makita yung lugar kung saan siya nagtatrabaho. Hindi yung para akong ignoranteng nilalang na sobrang arte na hindi man lang makatagal sa public market."
Tapos may dinagdag pa ako, "Tsaka curious rin ako sa trabaho niya, sa lugar. Ganon."
Tumango si Jeonghan, "Bukas talaga? Pwede naman next week o kaya kapag ready ka na."
"Next week nalang pala."
"Sigurado ka?" Tanong nanaman niya.
"Joke, kapag ready nalang pala ako."
"Sabi na eh. Basta sabihin mo nalang saakin kapag gusto mo na pumunta dun." Nag-thumbs up ako, linamon ko na kasi yung hawak kong pizza kaya 'di ako makapagsalita.
"So, sasamahan mo ulit si Wonwoo bukas?" Linunok ko muna yung pizza ko bago sinagot si Jeonghan, "Kapag nag-aya, dun ko siya sasamahan." Sagot ko.
"Hmm, tapos saamin ka sasama kapag hindi siya nag-aya?"
Tumango ako, "Malamang, kanino pa ba ako sasama."
"Wala, naninigurado lang. Baka mamaya kasi may chicks ka, flings, ganern." Tapos nag-hand gesture pa siya na parang baklang nagkekwento.
Umiling ako ng umiling, "Nah. Ano ba ako? Tao diba? Hindi chicks hanap ko. May nahanap na nga akong Wonwoo, ipagpipilit mo pang may mga alaga akong maliliit na manok, tsk."
"Ito naman, hindi na mabiro! Pero uy, bet ko sinabi mo-" tapos ginaya niya yung posisyon ko kanina at nagsalita, "May nahanap na nga akong Wonwoo, ipagpipilit mo pang may mga alaga akong maliliit na manok, tsk." Gaya niya sa akin. Aish, ang lakas talaga mang-asar nito. Kinuha ko yung throw pillow na nakapatong sa lap ko at binato kay Jeonghan.
Saktong lumanding sa mukha niya kaya medyo natawa ako sa ginawa ko.
"Aray!"
Matapos niyang matamaan ng unan, kumuha siya ng mas malaki at binato sa direksyon ko. Buti nalang alerto ako at nailagan ko yung flying unan na papunta sana sa akin.
"Huh! Better luck next time! Haha."
"Okay, tama na. Kumain nalang tayo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa box ng pizza na may isang slice nalang ng pizza. Akmang kukunin na ni Jeonghan yung pizza pero inunahan ko siya.
"Uy, ano ba yan! Grabe 'to, dalawa palang nakakain ko, halos ikaw na lahat kumain!" Kinagatan ko ng konti yung pizza tapos tinapat ko sa bibig niya yung pizza, "Kagat na, ayaw mo?" Sabi ko.
Kinagat naman niya yung pizza at hinablot yun saakin. Kinuha ko nalang yung baso ko na may laman na coke at uminom.
Natahimik kaming dalawa. Habang kumakain siya ako naman nakatingin sa kawalan at nag-iisip ng mas malalim pa sa dagat.
Saka lang ako napatigil sa pag-iisip nung biglang nagsalita si Jeonghan. Tumingin ako sa kanya at pinakinggan siya, "Gyu, alam mo ba nakakahalata na sila Minghao. Ba't 'di mo nalang kaya sabihin sa kanila na may gusto ka kay Wonwoo?"
Huminga ako ng malalim, tapos umiling ako.
"Ayaw mo pa rin sabihin?" Sambit niya.
Umiling ako.
"Sino ba pinagkakatiwalaan mo sa tropa? Sabihin mo kaya ng paunti-unti? Para naman gumaan kahit papaano yung bigat diyan sa dibdib mo."
"Ano kasi Jeonghan, natatakot ako? Hindi ko alam, basta. Hindi ko maintindihan sarili ko."
"Ano ba kasing naiisip mo? Tigilan mo kaya mag-isip na hindi ka naming tatanggapin. Tanggap ka namin, ano ba."
Napa-buntong hininga ako ng sobrang lalim, "Tawagin mo si Jihoon at Minghao. Sabihin mo pumunta sila dito at may sasabihin ako sa kanila."
Nakita kong tumaas ang magkabilang dulo ng labi ni Jeonghan, "Yes naman, boy! Don't worry, tanggap ka ng mga yun. So sa kanila mo muna sasabihin?"
"Oo."
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...