MINGYU’S POV
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya nung maramdaman kong aalis na sana siya sa kamang hinihigaan namin. I rolled over para madaganan ko siya, naramdaman ko pang hinampas niya ako sa likod ko pero binalewala ko lang iyon.Ayaw ko muna siyang umalis sa bisig ko.
"Hindi ako makahinga." Rinig kong bulong niya.
"Hindi naman kita yinayakap ah?" Sagot ko habang nakapikit pa rin.
"Dinadagan mo kaya ako."
"Huwag ka muna bumangon, please? Kahit five minutes lang."
"Mingyu ano ba, pang-ilang five minutes mo na 'to?" Tapos pilit niya akong inaalis sa ibabaw niya, pero syempre hindi ako nagpatinag. I stayed in my position as much as possible.
Hinanap ng kamay ko ang kamay niya, noong makuha ko ang kamay niya-I intertwined it with mine. Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay niya kasi inaalis niya yung hawak ko. Minsan napapag-isip ako kung gusto pa ba ako ni Wonwoo. Palagi nalang kasi niya rinereject ang hawak ko sa kanya.
Pero okay lang. Ramdam ko naman na mahal niya ako.
"Hindi ka nanaman nag-shirt matulog." Tapos pinalo niya yung likod ko ng malakas.
"Aray naman," Sabi ko at medyo napahawak sa likod ko. Ang sakit talaga manghampas ng isang 'to.
"Hindi ka na nasanay, alam mo namang hindi ako nakakatulog ng maayos kapag nakasuot ako ng shirt." Sambit ko.
"Abnormal."
"Iihh, ayan ka nanaman. Tinatawag mo nanaman akong abnormal."
"Ba't hindi ba?"
Isa sa mga napansin ko kay Wonwoo sa two months na magkasama kami sa iisang bubong, palagi niya akong inaasar o tinatawag ng kung ano-ano. Hindi kagaya noon na medyo pabebe pa si Wonwoo ko. Dati kasi sobrang sweet niya saakin na kulang nalang langgamin kaming dalawa. Pero ngayon? Huwag niyo na tanungin. Parang pinapakita niya pagmamahal niya saakin in a harsh, violent but sweet way.
Pero okay lang, tsundere side niya lang talaga 'to.
"Mingyu ano ba, pwede bang umalis ka na sa ibabaw ko? Madudurog na ako eh," tapos pilit niya talaga akong tinutulak. Nabigla naman ako nung naramdaman kong tinuhod niya ako sa itlog ko.
"Aray naman!" Tuluyan na akong bumangon sa ibabaw niya. Nakaupo nalang ako ngayon sa legs niya.
"A-Ang sa-s-sakit. . . Aray, aray. Gusto mo atang mabaog ako eh." Daing ko habang napapahawak pa sa babang parte ko.
"Bakit? Magkakaanak ka ba? Para namang bubuntisin mo ako."
"Grabe ka naman. Syempre gusto ko rin magka-anak!"
"Sorry ah, pero wala akong matres. Gusto mong magka-anak? Sige maghanap ka ng babae, mangaliwa ka tapos buntisin mo. Huwag ka na bumalik saakin kapag yan pala gusto mo." Ah, may mood swings nanaman siya.
"Grabe ka talaga! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko yung magkaroon tayong dalawa ng anak in the future. Uso naman siguro ang adoption." Pagpapaliwanag ko. I saw his facial expression soften a little tapos nakita kong napangiti siya sa sinabi ko. Iniisip niya sigurong napakaganda ng idea ko na mag-adopt kami ng anak in the future.
"Pero Baby, ang sakit pa rin." Naka-pout kong sabi sa kanya.
"Sorry, sabi ko kasi sayo umalis ka na sa ibabaw ko eh." Tapos bumangon siya sa pagkakahiga niya at yinakap ako.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...