064 || Ofiara

824 51 10
                                    

DIALLING. . .
Line Connected.

"Ba't hindi mo sinabi?"

"Sinabi na ano?"

"Na kayo na ni Sehun? Na-shock ako kanina, akala ko kung sino yung ka-holding hands mo."

"Ah, haha. Sinagot ko na, kawawa naman kasi."

"Ano? Sinagot mo kasi naa—"

"Syempre joke lang. Sinagot ko na, ayaw ko na kasi mawala sa tabi ko."

"Ate, ano na nangyari sa taste mo sa mga lalaki? Mas marunong pa ata ako pumili kaysa sayo."

"Wow, nahiya naman ako."

"Aba, dapat lang. Mahiya ka kasi mas gwapo boyfriend ko sayo, mas goals pa."

"Edi ikaw na may gwapong boyfriend. Atleast meron na akong boyfriend 'no, 'di na ako magpapatalo sayo."

"Sino kausap mo?"

"Si ate—"

"Hi Wonwoo! Oy Gyu, i-loud speaker mo dali."

"Tsk, ang demanding naman. Oh ayan, na-loud speaker na."

"Hello Wonwoo?"

"Hello."

"Okay ba yung librong binigay ko?"

"Opo, binabasa ko na ngayon. Salamat ulit."

"No worries! Oh sige magbasa ka na, mukhang naistorbo kita."

"Yun lang pala sasabihin mo."

". . ."

". . ."

"Nagseselos ako ate."

"Bakit?"

"Nagseselos ako sa libro."

"Abnormal."

"Sa lahat lahat ng pwedeng sabihin saakin bakit abnormal pa? Parehas kayo ni Wonwoo eh."

"Sorry na. Ba't ka naman kasi magseselos sa libro?"

"Eh kasi naman, dahil sa pesteng libro na yan hindi na niya ako mapansin-pansin. Pinapalo niya ako palagi kapag susubukan ko siyang kausapin o yakapin."

"Saan ba siya nagbabasa?"

"Nakaupo kami ngayon sa kama tapos nakasandal sa headboard."

"Ganito gawin mo. Medyo breezy pero keri lang. Lapit ka sa kanya."

". . ."

"Tapos akbayan mo ng pa-unti unti."

". . ."

"Dahan-dahan mo naman ihiga yung ulo niya sa dibdib mo."

". . ."

"Sabay sabi ng, "pwede makibasa?", promise gagana yan."

". . ."

". . ."

"Pwede makibasa?"

". . ."

". . ."

". . ."

". . ."

"Breezy."

". . ."

". . ."

". . ."

"Napapahiya ako! Ang lakas naman ng tawa niyo saakin, grabe I'm hurt."

"End call ko na, huh? Mukhang nagkaka-moment na kayo diyan. Bye."

"Teka—

Call Ended.

—lang. Ano ba yan, 'di pa ako pinatapos."

"Huwag ka masyadong magalaw."

"Ay sorry hehe, naalala ko nakahiga nga pala ulo mo sa dibdib—"

"Ssssshhhh, ingay mo."

"Sorry, sorry."

←→

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon