MINGYU's POV
"Basta bumalik kayo ng 1:30 dito, sunduin niyo na muna yung iba." Sabi ko sa kanila. Nasa tapat na kami ng bahay ni Wonwoo.
"Yes, Gyu. Tatawagin ko na rin yung isang van na susundo." Sabi ni Jeonghan.
"Sige, sige. Ingat kayo huh? Tambay muna kayo sa isang lugar." Yun na yung last na sinabi ko bago ako bumaba ng kotse.
_
I softly knocked on the door. Tatlong beses lang akong kumatok. Mga ilang segundo ang nakalipas-bumukas ang pinto at nakita ko ang mama ni Wonwoo. Napangiti siya noong makita ako, "Good evening po, 'Ma." Bati ko sa kanya at ngumiti ng tipid.
'Ma. Yun na ang tawag ko sa Mama ni Wonwoo. Siya na rin kasi mismong nagsabi saakin na yun na ang tawag ko sa kanya.
"Good evening rin, Mingyu. Halika pasok ka." Mas binuksan niya ng malawak ang pinto kaya naman pumasok na ako.
"Tulog na po ba si Wonwoo?" Tanong ko kay Mama. Tumango naman siya at tinuro ang kwarto ni Wonwoo, "Kanina pa tulog ang batang iyon. Napagod ata kanina."
"Ganon po ba? Pasok lang po muna ako dun."
"Sige lang. Na-impake ko na rin mga gamit niya. Tignan mo nalang yung bag niya, idagdag mo nalang yung mga kulang."
"Thank you 'Ma."
Gaya ng sabi ko, pumasok na ako sa kwarto ni Wonwoo. Binuksan ko kaagad ang ilaw. Hindi na ako nagulat nung makita ko ang kwarto niyang dinagsa ng bagyo. Buti nga at nakikita ko pa siyang nakahilata sa kama niya habang yakap ang body pillow na binigay ko sa kanya. Minsan kasi natatabunan ng mga damit at gamit ang kama niya to the point na minsan hindi mo na mapapansin ang kama niya.
Kung maarte ako sa mga pagkain, siya naman napakatamad maglinis ng kwarto. Yun bang kapag nandito kami minsan, ang pinakaunang ginagawa ko eh maglinis ng kwarto niya, ni hindi nga siya tumutulong kapag naglilinis ako. Kapag nasa mood naman siya tumulong, makahanap lang siya ng bagay na makakakuha ng interes niya, makakalimutan na niyang naglilinis siya at dun na niya ibubuhos lahat ng atensyon niya. O kaya minsan, kapag naglilinis ako at nag-aayos ng gamit niya, siya naman prenteng nakaupo lang sa isang tabi habang nagbabasa o pinapanood ako. Minsan nga sinesermonan ko na siya na maglinis ng kwarto pero kahit anong sermon ko sa kanya, lalabas at lalabas rin sa tenga niya mga sinabi ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Sinusubukan kong hindi makaapak ng kahit anong gamit na nasa sahig. Nung makarating na ako sa tapat ng kama niya, l gently took the body pillow he is hugging. Napapikit nalang ako nung gumalaw siya ng konti nung malapit ko na makuha sa kanya yung body pillow. Buti naman at hindi siya nagising nung nakuha ko na iyon ng tuluyan.
Tinanggal ko ang sapatos ko at dahan-dahan akong nakihiga sa kanya sa kama. Nung nakahiga na ako sa kama niya, tinanggal ko ang unan niya. I gently and slowly slip my arm under his head so my arm can serve as his pillow. Inayos ko ang posisyon ko, humarap ako sa kanya. Nung nakaharap na ako sa kanya, inayos ko ang buhok niyang tinatamaan ang mata niya. I softly run my fingers through his hair. Paulit-ulit ko lang yun na ginagawa.
Habang hinahaplos ko ang buhok niya, nagulat nalang ako nung mas lumapit siya sa akin at yinakap ako ng sobrang higpit. Ah, akala niya siguro ako pa rin yung body pillow niya. Natawa nalang ako ng mahina. Naramdaman ko pa ngang inaamoy niya ako, he's unconsciously sniffing me. Maybe he's wondering why his pillow smells like Mingyu. Pero naalala ko pinaliguan niya ng pabango ko ang body pillow niya para lang magkaamoy na kami ng unan niya. Hmm, siguro mas malakas lang ang amoy ko ngayon kaya ganito siya umamoy.
Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang 30 minutes nalang birthday na namin. And after that, gigisingin ko na si Wonwoo para mag-ayos. Sa ngayon, dito muna ako sa tabi niya. I'll just watch and appreciate Wonwoo beside me.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...