059 || Ofiara

935 55 1
                                    

THIRD PERSON’s POV

“Mingyu, hindi ka ba talaga kakain?” Nag-aalalang tanong ni Wonwoo kay Mingyu. The sky is turning black and gray, and still, nasa ospital pa rin sila. The only difference is that Mingyu and Wonwoo are the only people inside the hospital room.

Mingyu didn't answer Wonwoo. Nakatulala lang ito sa kawalan. Kanina pa kinakausap ni Wonwoo ang kasintahan pero ni isang salita galing kay Mingyu ay wala siyang natanggap. He’s really worried, pero wala siyang maisip na matinong paraan para makausap niya ng masinsinan si Mingyu.

"Mingyu, please, magsalita ka naman." Pagmamakaawa ni Wonwoo. When he suddenly intertwined their fingers, Mingyu flinched as if he’s back to reality. Napatingin si Mingyu sa magkahawak na kamay nila at napatingin siya kay Wonwoo na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya. He has this blank expression planted on his face. Hinigpitan ni Wonwoo ang kapit sa napakalamig na kamay ni Mingyu.

"Mingyu ko, please? Talk. Kahit simpleng oo o hindi." Wonwoo’s voice cracked. He doesn’t know what to do already. Malapit na siyang mabingi sa napakatahimik na kasama niya. The deafening silence with Mingyu might be the reason of his insanity. He suddenly missed his Mingyu’s corny jokes and pick-up lines. He admit, minsan naiinis na siya sa kacornihan ng boyfriend niya, pero ngayon, mukhang makikisabak pa si Wonwoo sa mga mais para lang maibalik ang mga corny jokes at pick up lines ni Mingyu. Ayaw niya sa silent treatment na binibigay sa kanya ni Mingyu ngayon.

"Babe naman, magsalita ka na please? Let me know if you’re still okay." Pang-ilang attempt na ba ’to ni Wonwoo para makausap niya si Mingyu? Hindi mo na siguro mabibilang. Kahit maubos na ang laway niya sa pagsasalita, hindi siya susuko hangga’t hindi pa rin sumasagot si Mingyu.

Mingyu shyly looked at Wonwoo, pagkatapos ay itinapik niya ang bakanteng parte ng kamang hinihigaan niya. And for the first time since he woke up after his break down a while ago, Mingyu opened his mouth and said these four words stuttering, "T-Tabi ka saakin, Wonwoo."

Kahit napakaliit ng kama na hinihigaan ni Mingyu, Wonwoo still followed his Mingyu’s command. Humiga siya sa kama, and then suddenly, two warm and heavy arms are now wrapped around Wonwoo’s waist. Inihiga pa ni Mingyu ang ulo niya sa dibdib ng kasintahan. Wonwoo slowly played with the taller’s hair, and then he gently kissed the top of his head.

"Sorry." Mingyu uttered.

Huminga ng sobrang lalim si Wonwoo. Sa lahat lahat ng pwedeng sabihin ni Mingyu ngayon ay bakit sorry pa? Kung pwede naman na sabihin nito kung ayos lang ba siya, kung nagugutom na ba siya o kung gusto na ba niya umuwi. He doesn't like the word his Mingyu uttered. It doesn't make sense to him. Ano 'to? Nagsasabi siya ng sorry dahil sa tagal ng pinagsama nilang dalawa ay ngayon niya lang nalaman ang kalagayan niya? He doesn't have to say that word, he thought. Wala naman siyang kasalanan eh. Wala.

Dapat nga siya ang nagsasabi ng katagang iyon. Because all this time, he was so damn oblivious of his partner's situation. He's really sorry for not taking care of him, he's really sorry for not noticing the things that caused Mingyu pain and agony these past few months. Napakatanga niya para hindi mapansin ang mga karamdaman ni Mingyu.

The fast and not so rhythmic pumping of Mingyu's heart that Wonwoo always hear whenever he lay his head down on Mingyu's chest— was weak, broken and fragile all along. The beating of Mingyu's heart that Wonwoo onced called abnormal was, well, abnormal after all—or rather, frail and delicate that needs to be taken care of.

Wonwoo carressed Mingyu's back, "Don't. Wala kang kasalanan."

Mingyu shook his head, "I-I’m sorry. I’m s-sorry, hindi ko s-sinabi. . . agad." Mingyu's voice broke while saying those words, his shoulders started to shake and his body trembled. Napahigpit pa ang yakap niya kay Wonwoo.

"A-Ayaw ko l-lang—a-ayaw ko lang na nag-aalala ka saakin." Mingyu said with his shaky voice. He even looked up at Wonwoo who is currently looking at him too.

Wonwoo wiped the tears that started to fall on Mingyu's cheek, inayos niya ang buhok nito at binigyan ng napakainit na yakap, "It's okay, don't say sorry. Wala kang kasalanan huh? Stop it, stop saying that word. It hurts my ear. Ako dapat nagsasabi niyan eh, kasi hindi kita naalagaan ng mas mabuti. Kaya don’t feel sorry. This time, aalagaan kita. Bawal tumanggi. Tsaka huwag ka na umiyak, please?"

Mingyu nodded and he tried to supress his tears. Wonwoo showed a warm smile at Mingyu. Ngumiti pabalik si Mingyu kahit sobrang basa pa rin ng pisngi niya dahil sa mga luha na umaagos rito.

Wonwoo tightened his hug on Mingyu, it was as if he would die if he's not holding him this tight, "Kakain ka na ba?" Tanong ni Wonwoo.

Mingyu wiped his tears and gave Wonwoo a small smile, "Opo, subuan mo ako ah?"

Wonwoo softly laughed at his Mingyu's request,  It was like nothing happened dramatic a while ago, "Why not? Pagkatapos mo kumain, inumin mo na yung gamot na binili nila Jihoon kanina."

Mingyu nodded, "Thank you, Wonwoo."

"You're welcome."

←→

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon