Taeyeon's POV
Di pa din natatapos ang Party. Medyo natuwa si Tao sakin kaya heto, nakahiga pa din sya. Ok lang yan! Cute naman sya e. Hahaha~
"Noona.."
"Hmmm?" Nilingon 'ko si Lay. Medyo nakalimutan 'ko na nga sya e, nawili ako sa panunuod kila Yuri.
"Pasandal ako."
"Sure." Kinuha 'ko yung ulo nya at pinasandal sa balikat 'ko.
"Sis!" Tawag sakin ni Chen. Sa sobrang lakas ng boses nya, napatingin tuloy silang lahat samin.
"Shhh.. Bakit nanaman?"
"Mukha ka nang nanay Sis! Hahaha"
"Wala ka talagang matinong ginagawa Sis. Bigti na~ Hahaha"
"Sayang kagwapuhan Sis!"
"San banda? Hahahaha"
"Hard!" Side comment ni Yuri.
"Hindi 'ko hinihingi ang opinyon mo! Tse!"
"Ako din Noona :(" Lumapit sakin si Sehun.
"Hala! Pano 'to?"
"It's ok Noona. Nextime nalang"
"Sure ka? Hindi ka nagtatampo?" Tanong 'ko. Malay niyo, may tampo sakin 'to. Naku~
"Hindi Noona =)) Dun muna 'ko Noona ha?" Sabay turo nya kila Yoona.
"Sige :)"
Pumunta na siya kila Yoona. Napatingin naman ako kay Baek at Pani, ayun nagtatawanan na. Sana maging sila >O<v
Tapos ang sweet ni Sooyoung at Suho, nagtatawanan sila e. Napatingin naman ako dun sa kabila, si Kris at Sica nag-uusap, si Yoona at Sehun naghaharutan, si Yuri at Kai nagbabangayan, naguusap naman si Chanyeol at Hyoyeon, Xiumin at Sunny, Luhan at Seohyun.
Tumabi samin si Chen at D.O ng nakasimangot.
"What a face" Sabi 'ko kay Sis at Baby D.O
"OP ako sakanila e!" Sabay turo ni Chen dun sa mga naguusap.
"Inggit ka nanaman. Lika dito, dalawa tayo. Pfftt. Hahahaha~" Natatawang sabi 'ko.
"Like duuuh? Di na oy!"
"Artiii~" Umupo sa sahig si D.O, sa tapat ko.
"Di ka nangangalay Sis?"
"Di pa naman. Bakit? Inggit ka nanaman? Gusto mo sayo sumandal si Lay at sayo mahiga si Tao?" Natatawang sabi ko. Sarap neto asarin! Hahaha
"Isa pa Sis. Isa pa! -_-" Pikon na yan e! Kaya susulitin ko nang pikunin. Bwahaha~ ang bad ko :D
Tinawanan ko nalang siya. Hahaha
Pinapanuod ko lang yung mga Couples jan. Hahaha! Couples talaga!? Ge, pabigyan. Birthday e. Hahaha~
"Excuse me.. Dito na kayo matulog mga Babies, tulog na si Baby Panda oh pati si Baby Lay." Turo ko kay Tao na nakatulog habang nasa lap ko pati kay Lay na nasa balikat ko.
"Okay Noona!"
Hinati-hati na yung Rooms. 7 Rooms ang mero dito sa bahay namin, so bale tig-tatatlo. Boys and Boys ang magkasama tapos Girls and Girls, malamang!
Umakyat na kami apat. Si D.O, Lay, at Tao ang magkakatabi. Si Sis naman, pumunta sa isang kwarto, mag-aantay nalang daw sya ng may tatabi sakanya dun :D ako naman, sa kwarto ko same with Sis ang peg ko. Mag-aantay ako ng tatabi sakin.
Maya-maya, pumasok na si Maknae at Tiffany.
"Dito nalang kami" Sabi ni Tipani
"Malamang! -_-" Pangbabara ko. Hahaha, bakit ba? :p
Biglang bumukas yung pinto, si Yuri. "Ay? Tatlo na? >^<" Sabi nya habang nasa pinto.
"Di ka marunong magbilang?" Sabi ko.
"Ahetsuuu T^T" Medyo pabagsak pa pagsara nya ng pinto. Hahaha!
"Hala ka Unnie." Pananakot naman ni Seohyun.
"Tse! Tulog na." Saka nahiga
Tumabi na sila sakin at natulog na kami malamang! -_-