Czelle's POV
Uminom ako ng tubig mula sa Ref, malamang -___-
Hindi kasi ko makatulog eh. Kaya umupo muna ako sa ibabaw ng mesa.
"Girls don't do that." Muntik na kong mahulog sa sobrang gulat.
"I do." Maikling sagot ko.
"Ang pangit kaya tignan!" Sabi niya.
"Oo na." Sabi ko at umayos na nang upo. Umupo ako sa upuan.
"Good. Bakit ka nga pala andito?" Tanong niya sakin at kumuha ng tubig mula sa Ref.
"Di makatulog eh." Sagot ko.
"Why?"
"Lahat ba kelangan may sagot?" Tanong ko din pabalik sakanya.
"Haha. You're cool." Sabi niya sakin.
"Yeah. I know."
"That's why I like you." Sabi niya. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko siyang nakangiti.
'That's why I like you.'
'That's why I like you.'
'That's why I like you.'
Okaaay? -__-
"Haha. I'm just kidding.. Tara sa labas?" Aya niya sakin at hinila ako.
"Hoy Tao! Baka walang kasama si Tiffany ha?" Sabi ko.
Hindi siya umimik at hinila pa rin ako. Naglakad-lakad lang kami dito sa tabing dagat.
Ano bang meron kay Tao ngayon? Hindi naman siya ganito ha.
"Uhh--" Magsasalita palang sana ako nang magsalita siya.
"Kayo na ni Luhan Hyung diba?" Tanong niya.
"Yeah." Maikling sagot ko.
"When?" Tanong niya.
"Huh?" Nagets ko siya pero parang nakakahiyang sabihin kung kelan ///___\\\
"Since When?" Tanong ulit niya.
"Uhh.. Kanina?" Patanong na sagot ko. Narinig ko naman siyang natawa.
"Hindi ka pa sure ah." Sabi niya.
"Ano meron sayo Tao?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya at halatang pilit.
Luhan's POV
Antagal naman ni Czelle uminom ng tubig -___-