Hyoyeon's POV
Akala niyo ba hindi ako nasasaktan?
Akala niyo ba okay kami ni Suho?
Masakit araw-araw na makita ang mahal mo kasama ang mahal niya.
Ginawa lang namin tong lahat kasi ayaw naming mamuka kaming tanga.
Ayaw naming magmukhang kaawa-awa.
Nasasaktan ako tuwing nakikita ko sila Sooyoung at Chanyeol.
Almost 4 months.
Tiniis namin lahat yun ni Suho.
Kaming dalawa lang ang nagkaka-intindihan.
Parehas kami ng sitwasyon.
Parehas din kami ng nararamdaman.
"Uniiyak ka nanaman.." Hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko.
"Bakit ang sakit?!" Tanong ko sakanya.
Pinunasan niya yung luha ko at umupo sa may harapan ko.
"Kaya mo yan. Sabay tayong lalaban. Tsaka bakit hindi natin totohanin itong kung meron tayo? Ginagawa ko naman ang lahat maging REAL lang tong relationship natin."
D__________________________O
Umiling ako at yumuko.
"Alam mo naman kung sino ang mahal ko eh."
"Lagi ka nalang nakatingin sa past, bakit hindi mo subukang tignan kung ano at meron sa present? Sa harap mo? Bakit hindi mo ako kayang tignan?! Ako, kinakaya kong kalimutan si Sooyoung at tignan ka. Pero bakit ikaw hindi mo magawa?!"
Nagulat ako sa sinabi niya.
Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.