[Natutuwa ako sayo FrozenPanda :) Ayiee. Haha para sayo toooo~]
Sa Lahat nang gusto magpadedic, comment lang po kayo or magmessage sakin. Dahil mahal ko kayo, humihingi po ako nang COMMENTS and VOTES! :D pero kung ayaw niyo po, eh mahal ko pa din kayo XD
Vote, Comment and Enjoy! -Mistah.Mistah! :)
Taeyeon's POV
Umalis ako at iniwan si Baek dun na parang wala lang. Kelangan kong ngumiti, kelangan kong maging masaya.
"Anyare?" Tanong ni Tiffany. Umiling naman ako at ngumiti sakanilang lahat.
Alam kong hindi naniniwala si Tiffany, maybe sakaniya ako magtatapat nang tunay kong nararamdaman. She's my bestfriend naman e.
Umupo na ko katabi nila D.O, Luhan at Chen.
Tinignan naman ako ni Luhan na parang 'iba nalang lokohin mo, wag ako kasi kilala kita' Haysss! Silang dalawa lang ni Tiffany ang nakakabasa sa tunay kong nararamdaman.
Buti at alam din nila na hindi ko pa kayang sabihin sakanila kaya minabuti nila na tumahimik muna pero hindi maalis-alis yung tingin nila.
"Alis na ko.." Sabi ni Baekhyun at tuloy-tuloy na umalis.
"Hyung! Asakin yung susi." Sabi ni Sehun.
Yung tahimik na mundo kanina ay napalitan nang tawanan. Kahit ako natawa kasi feel na feel niya umalis tapos biglang wala pala siyang susi.
Lumapit naman siya kay Sehun at binatukan eto.
"Panira ka enu?!" Asar na sabi niya.
"Ako pa may kasalanan?!" Sigaw na tanong ni Sehun.
"Ay hindi! Ako. Ako yun! Sorry ha?" Sarcastic na sabi ni Baekhyun. "Ge, alis na ko." Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Kinabukasan..
"Taena! Ang bigat." Sabi ni Lovely. Naglilipat na kasi sila nang gamit ngayon.
"Roomate tayo!" Nakangiting sabi ni Yoona kay Czelle.
"Duga! Bunutan nalang!" Sabi naman ni Sunny.
"Unnie, ako na." Tulong ni Maknae kay Cheska.
"Salamat! Oh pati eto pabuhat na din." Sabi ni Cheska at tinuro yung mga gamit niya saka humiga sa Couch.
"Hoy Cheska! Hindi mo binabayaran si Maknae ha." Sabi ko.
"Yaan mo Unnie, mamaya babayaran ko." Sabi niya at pumikit.
Hinila naman siya ni Maknae patayo.
"Tulungan mo nalang ako para mapabilis." Sabi ni Maknae.
"Jusko! Ang sakit na nang likod ko." Sabi ni Czelle.
"Bakit kasi andami niyong dinalang gamit?" Tanong ni Sica na tumutulong na din.
"Eh ano? Gamit mo? Gamit mo?" Asar ni Lovely.