Taeyeon's POV
"Akala ko ba ako mahal mo? Hahaha" Birong sabi ni Baekhyun.
Ikaw lang naman talaga eh. Hindi naman nagbago yun.
"Ayan. Namumula na si Noona. Inaasar niyo kasi" Sabi ni Luhan
"Hayie~ Luhan Hyung ah!" Pangasar naman na sabi ni Baekhyun. PANGASAR talaga =___=
Nagkukwento lang si Baekhyun about kay AJ.
Umiwas ako. Akala ko, okay na ko ngayon. Akala ko, wala na. Pero bakit ang sakit pa din?
"Mahalata ka niyan eh." Sabi ni Luhan saka tinakpan yung mukha ko.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya.
"Yang mata mo kasi. Nakatingin nanaman sakanya. Akala ko ba nakamove-on ka na? Kayabangan!" Bulong sakin ni Luhan.
Tinignan ko nalang siya ng masama.
"Food~" Sigaw ni Xiumin at Sooyoung =___=
Nandito kami sa Sala. Dito na daw kami kakain eh. XD
Inayos na nila yung mesa at mga pagkain. Umupo lang ako sa may couch.
"Hoy. Tumulong ka!" Sabi sakin ni Baekhyun saka tumabi sakin.
"Edi ikaw ang tumulong." Sabi ko.
"Hahaha~ suplada mo talaga!"
"Baliw. Hindi ah!" Sabi ko.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~ Hahahaha!" Pakanta nilang sabi sakin sa pangunguna ni Luhan at Chen =_____=
"Gusto niyo sapak? Hahaha." Sabi ni Baekhyun at tumatawa pa.
Luhan's POV
"Gitara~ tugtug ka Channie. Haha" Tatawa tawang sabi ni Noona.