Taeyeon's POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nangyari yung pagmamakaawa ko.
Tapos bigla silang nagbreak ni AJ. Hindi naman sa gusto kong magbreak sila pero, parang ang saya ko kasi.
Hindi ako titigil hangga't hindi nababalik yung dating kami.
Hindi ko susukuan si Baekhyun >;)
"Mauna na ko Luhan. May pupuntahan pa ko" Paalam ko kay Luhan.
"Bye Noona! Bukas susunduin kita ha. Sabay tayo pumasok sa ComProg" Paalam naman din niya.
"Ohhh~ babye!" Pagsang-ayon ko sakanya.
Baekhyun's POV
Firstime ko magkaPOV ulit. Hahaha XD
Andito ako sa totoo naming bahay. Haha. Andito lang ako sa kwarto at nakikinig sa music.
*Ringgg.. Ringgg.. Ringgg*
Sinagot ko yung tawag nang hindi ko tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Nasan ka?" Kilala ko kung kaninong boses to.
Bakit parang sumaya ako? Diba hindi ko na siya mahal?
"Asa Bahay." Simpleng sagot ko.
"Saang bahay?" Tanong niya.
"Dito sa pinuntahan natin dati. Bakit?" Tanong ko din.
"Ahh. Wala. Ge" Saka niya pinatay.
Anong meron dun? Himala, hindi ata sila magkasama ni Luhan hyung.
Sa totoo lang, nagselos ako nung nalaman ko na ilang beses na nakapunta si Luhan Hyung sa bahay nila Taeyeon. Tapos ako hindi pa nakakapunta =___=
Si Luhan Hyung, kilala at close tapos ako hindi.
Hindi naman sa selos na mahal mo siya. Selos na, hindi niya ko nagawang ipakilala nun tapos si Luhan Hyung napakilala niya.
Ah~ ewan!
*Ringgg.. Ringgg.. Ringgg*
Nakaidlip pala ako. Nagising lang ako sa Ring ng Phone ko.
"Hello?"
"Uy. Labas ka!" Bakit ba ang kulit ni Taeyeon? -____-
"Bakit ako lalabas?" Tanong ko.
Kung sana kung nanjan siya sa labas. Lalabas talaga ako =__=
"Basta. Labas na!" Pilit pa din niya. Alam ko naman na kasama neto ngayon si Luhan Hyung eh. Ano naman gagawin ko sa labas? Tanghaling tapat pa! -__-
"Anong gagawin ko sa labas?" Cold na tanong ko.
"Dalian mo! Ang init kaya dito." Sabi niya.
*Blag!*
Tang'na! Nahulog ako sa kama ko. Ano daw sabi niya?
"Hoy. Ano nangyari sayo? Labas ka na kasi. Ang init kaya!"
Sumilip ako sa bintana. Nakita ko siya sa may gate. Pasilip silip. Para siyang tanga. Hahaha!
Nagbihis muna ako. Teka, ayos na ba buhok ko? Kelangan ata ayusin ko muna.
Yung damit ko? Ayos na to.
Taeyeon's POV
Ang tagal naman niya!
Patalon-talon ako dito sa may gate nila. Ang taas kasi eh, tapos ang liit ko pa. Kamusta naman? =___=
Bumukas yung gate kaso si Mamita.
"Pasok na. Mukha kang tanga jan. Haha" Sabi ni Mamita.
"Mamita talaga!" Inabot ko kay Mamita yung pasalubong ko.
"Andun si Baekhyun sa kwarto niya. Namiss kita!" Saka ako niyakap ni Mamita. Aaw~ namiss ko din si Mamita. Emerged! XD
"Ate Taeyeon!" Sigaw ni Suzy at Eunji saka tumakbo at niyakap ako.
*
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. Madali niya tong binuksan.
Gulat ang ekspresyon niyang mukha niya. Haha
"Ang bango ng kwarto mo ah." Sabi ko saka ako umupo sa kama niya.
Nagblush naman siya. What? Haha. Nagblush siya dun? XD
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Akala mo ba Baek, susukuan agad kita? Haha. Sabihin na nating hindi mo na ko mahal kaya gagawin ko ang lahat, mainlove ka lang ulit sakin. Hahaha!" Sabi ko sakaniya.
Ngumiti naman siya.
"Okay. Sabi mo eh. Galingan mo aang panliligaw sakin ha? Pihikan ako." Natatawang sabi niya saka tumabi sakin.
"Mukha mo!" Sabi ko.
Nagulat naman ako nung niyakap niya ko.
"Oh? Ano ba yan! Mr Byun, nagsisimula palang tayo lumalambot ka na? Hahaha" Pangasar ko sakanya.
**
Short UD. XD
Vote and Comment! <3