Taeyeon's POV
'neoreul mannamyeon nunmul cha olla, babo gateun nan, amu mal mothae~'
Sino ba tong natawag!? Ang aga-aga e. Sinagot ko agad yung tawag ng di tinitignan kung sino.
"Hello who's this"
"Baby.." D_____O napamulat talaga ako ng mata nun. Sa pagkaka-alam ko, single ako. Ano tong Baby-Baby na to!? -_____-
Tumawa naman yung nasa kabilang linya.
"Baekhyun to"
"Oh? Problema mo?"
"Tara! Maligo ka na. May pupuntahan tayo" Saka niya inend yung call. Bastos talaga nun -___- ano pa bang magagawa ko? By bed, mamaya na tayo maglampungan ha? =_=
Naligo na ko tsaka nagbihis. Nagtext naman si Baek na magkita kami sa may Park, di naman kasi pwedeng sunduin niya ko. Makikita kami nung mga Girls. Ano ba to, para kaming Secret-on na nagtatago sa mga magulang.
Nakita ko naman agad siya. Tumayo siya tsaka kinuha yung bag ko -____-
"Hoy bacon! Ayos ka lang?! Pangbabae yan o -___-"
"Okay lang. Kesa naman mahirapan ka" Saka siya ngumiti.
"Muka ka namang mahirapan eh wala namang kalaman-laman yan e" Tumawa sya.
"Tara" Kinuha niya yung kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
After 1hour bumaba na din kami sa taxi. San ba to? Ba't parang resort.
"Ano gagawin natin dito?" Tanong ko. Hinawakan niya kamay ko, sige iyo na kamay ko!
"Body jumping." Saka ngumiti.
"Waaah! Gusto ko maexperience yun matagal na" Excited na ko! :))
Sinabi niya na magbabody jumping kami, kaya eto andito kami sa parang elevator paakyat.
"Waaaah. Ang taas na natin" Sabi ko. Nakakalula pa @___@
"Wag na kaya nating ituloy? Di ka natatakot?" Tanong niya.
"Hindi. Natatakot ka no?" Asar ko sakanya.
"Hindi a!" Sus. Hahaha
Nasa taas na kami tapos sinuotan na kami ng tali. Hindi ko alam tawag dun e XD
"Isa-isa po ba or magsasabay nalang kayo ihahagis?" Tanong ni Kuyang nagaassist.
"Isa-isa po" Sabi ko para enjoy no! :))
Nakapwesto na ko. Waaaah. Parang antaas naman ata neto? @___@
"Sabay nalang po kami" Bawi ko.
"Woooh! Magdadasal na sana ako e" -Baekhyun.
"Pano pwesto natin? Hawak kamay nalang" Sabi pa nya. Patalon na kami kaso may sinabi si Kuyang nagaassist.
"Pag sumigaw daw po kayo ng tatlong beses habang nasa ere, matutupad daw yun"
"Talaga kuya?" -Baekhyun
"Narinig mo naman diba?"
"Tse!"
Patalon na talaga kami, sumigaw si Baekhyun "Taeyeon! Poprotektahan kita~" Saka kami tumalon.
"Aaaahhh!" Sigaw naming dalawa. May nagaabang na bangka samin dun at dun kami bumaba.
"Isa pa. Haha" -Baekhyun
"Mag-isa ka. XD"
"May nakalimutan kasi ko" Sabi ni Baek.
"Ano?"
"Yung isisigaw! Di ako nakasigaw" Haha kaya pala.
"Nextime Baek :)"
Tama nga ako. Resort nga to.
"Di tayo makaka-uwi ngayon ha." Nagulat naman ako sa sinabi ni Baek.
"Hahanapin ako ng Girls"
"Magdahilan ka nalang. Haha" Sabi niya. Pumunta kami sa Room namin. Isang room lang yun pero dalawang kama at malaki.
Tumawag ako sa mga Girls na umuwi ako ng Province, sinermunan pa ko na bakit daw biglaan -____-
*
Baekhyun's POV
Manunuod nalang kami ng Movie mamaya. Naligo na ako, tapos na kasi siya e. Pagtapos ko naligo kumaen na kami saka bumalik sa Room.
"Manuod tayo. Ikaw mamili kung ano" Sabi ko.
Namili naman siya. Ang pinili niya LOL ni Miley Cyrus.
Nanuod lang kami ng tahimik. Ano ba to, andaming kissing scene! Nakakailang kaya -___-
"Hoy. Bakit mo tinitignan?" Saka ko tinakpan ng unan yung muka niya.
"Eh. Epal to!" Di ba siya naiilang?!
Finast-forward ko nalang pero meron pa din talaga kaya pinatay ko nalang.
"KJ!" Sigaw niya sakin.
Silence..
Silence..
May gusto ako itanong e. Kaso nakaka-Argh!
"Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na" Sabi niya habang nakain ng Nacho.
"Uhm.. May.. May First kiss ka na?"
"Ah. Yun lang pala. Oo" Teka..
"Sino?"
"Yung ka-MU ko kasi nun, bigla akong hinalikan" Parang nag-init yung ulo ko nun ah!
"Hoy! Smack lang yun baliw!" Napansin siguro niya. Ano ba to! Naiinis ako sa gusto kong mangyari ngayon. Nakakahiya kaya!
Kaso di ko na mapigilan e. Nilapit ko yung mukha ko sakanya di naman sya pumalag, nakangiti pa nga eh.
Napangiti din ako habang palapit ng palapit yung mukha ko..
**
Bitin! XD Vote and Comment po! ^^~Czelle