Home Town
"There are places that gives back memories. As much as your mind wants to forget this places your heart does not and you keep asking yourself why does fate always puts you into this places only to feel the same pain you felt before." --RJPS
---------------
Mom already made up her mind. Hindi ko gusto na umabot kami sa punto na kailangan niya akong payagan na mag-aral sa States para lamang samahan ko siya. But I've just let my pride take over. Hindi ako umangal dahil part of me do not want her to cry again.
I sighed. Umakyat ako sa aking kwarto. I stared at the white curtain and all the things my eyes can possibly reach before walking towards my bed. Umupo ako sandali at pinilit magsink in ang lahat ng sinabi ni Mom at kung ano ang mga pwedeng mangyari pagpunta namin doon.
"Isipin mo na lang na pagkatapos ng bakasyon na ito ay makakasama mo na si Alexander. Hindi mo na kailangan pang hintayin na umuwi siya every summer para lang makita siya" I keep reminding myself. Dahil yan lang din naman ang pwede kong isipin na kahit papaano ay pwedeng pagaanin ang pakiramdam ko.
Nagsimula akong maghanap ng mga dadalhin kong mga damit sa pupuntahan namin. Malapit ang bahay na pupuntahan namin sa dagat. I know that place well dahil lagi kaming pumupunta doon noong bata ako.
We used to spend the entire month of May together. Eating in every restaurant near our vacation house, playing along the shore and sometimes hitting the road with our truck and casket tape na may mga rock musics.
Dahil sa lagi kaming nagbabakasyon doon tuwing May ay laging nabibitin ang aking bakasyon dahil hindi ko masyadong nakakalaro si Alexander noon.
Pero pagkatapos naming umuwi noon galing sa isang buwan naming bakasyon ay nakangiti kaming lahat, because we got to spend a month with each other. With my family. . .
Agad kong pinahid ang luha ko. Damn those memories that's been hunting me since my Dad left us. I hate it! I hate everything that reminds him! Siya ang naging dahilan kong bakit ako nagbago. Kung bakit ko tinalikuran ang lahat ng mga nakasanayan ko. Kung bakit wala akong naging kaibigan. Kung bakit simula noong umalis siya ay naging tahimik ako. Distant enough to be a companion to anyone. Distant enough to be laugh at every student in our school. Yes, I'm that girl.. The give who believe that the world already turn to her. Siguro kong wala sila Mom at Tita Minerva ay matagal ng sira ang buhay ko.
I was used to be called the little loud girl. The little girl who used to talk to every one who passed by our house. Lahat yata ng mga kapit bahay namin dito ay kilala ako sa tawag na yan. Kaya marahil maraming nagulat ng isang araw ay halos wala na akong kausapin. I turn my back against the world just like how the world turn against me. Against all the people that once know me.
"Alex!! Magpapaalam lang ako sa Tita Minerva mo!" I heard my Mom shouted bago ko marinig ang pagsara ng pintuan sa ibaba. There was a hint of excitement in her voice.
Tita Minerva is the closest friend my Mom has. Maliban sa akin ay siya lang ang laging kausap at kasama ni Mom at ganon din si Tita Minerva. They were best of friends at anak din ni Tita Minerva si Alexander kaya naging close din kami kahit papaano. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalalang walang makakasama si Tita Minerva ngayon dahil may pupuntahan kami at hindi matutuloy ang bakasyon ni Xander. Tatawag tawagan ko na lang siya para naman hindi siya mabored sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Teen FictionA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...
