Chapter 32 Reasons and letters
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa kusina. Ang mabangong amoy ng mga nalulutong pagkain ay bumalot sa buong bahay. For a minute I was forgot I have a problem to deal with. Dahan dahan akong bumangon at nagtungo sa kusina para sundan ang mabangong amoy ng mga naluluto. Nakaramdam ako ng gutom at pagod.
Pagpasok ko ay naabutan ko si Xander na nakaharap sa kanyang niluluto. Bahagya akong napangiti habang naka suot ito ng puting damit at nagpupunas ng kanyang pawis. The mere fact na nandito pa siya ay malaking bagay para sa akin. Naglakad ako papunta sa kanyang tabi at mabilis niya akong napansin.
Ngumiti ito at tinuloy ang kanyang ginagawa.
"I'll be done in a minute. Umupo ka na" sabi niya saka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Napatingin ako sa kanya. Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko siya. Napansin niya ito kaya lumingon siya at nakipagtitigan sa akin. Tumaas baba ang kanyang mga kilay saka humalakhak.
"Umupo ka na" ulit niya.
Pero ngumiti siya ng makita niyang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at pinagpatuloy parin ang pagtitig sa kanya.
"If I'm a random guy, I'll freak out because of the way you stare at me. Pero dahil ako si Alexander the great na sanay na sa mukha at titig mo nagagawa kong isipin na nagwagwapuhan ka lang talaga sa akin kaya ka nakatitig ng ganyan" tinaas niya ang dalawa niyang braso at nagkunwaring pinapakita ang mga muscles niya. Umiling ako at tumawa.
I was staring at him because of his smile. Because he's trying to make me feel better but the mere fact that he has to leave someday saddens me.
Siya na mismo ang humila sa akin para umupo. He placed a plate in front of me and a scoop of an enough amount of fried rice and bacon bago umupo sa aking tabi.
"Eat"utos niya. Napilitan akong sundin ang utos niya.
Halos siya na mismo ang magsubo sa akin ng pagkain dahil sa tagal ng bawat galaw ko. And every time he talks, I have to look at him....stare at his face at his lips. His concerned voice makes me feel happy and at the same time sad. Matutuwa ako na nandito siya sa tabi ko. I'm glad he's trying his best to make me feel okay. Pero gusto ko din siyang tumigil sa kanyang ginagawa.
Hindi ba pwedeng itigil na lang niya ito. Lahat ng mga ginagawa niya para maging masaya ako dahil kung aalis din naman siya ay masasaktan lang din naman ako. I hate it that he's trying to make it all better and then later on mawawala siya.
I don't want to receive any of this efforts coming from him without any assurance that tomorrow he is still her beside me.
Nagsimula akong kumain para hindi na maabala pa si Xander. As much as he's trying to make me feel better I know he needed to eat too...
----------
Pagbalik ko sa hospital ay sinabi ni Mom na inilipat na daw si Dad. Gaya ng pinangako ng doctor niya ay nasa isa siyang comportable na kwarto. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako kapag papasok ako sa kanyang kwarto.
Mom didn't talk much about Dad's condition. Tila iniiwasan niya din ito kaya hindi na ako nagtanong pa. Gaya ng mga tao sa paligid ko ay halata din na nahihirapan si Mom. She's trying to be fine but the pain is now visible in her eyes.
Hinatid lang ako ni Xander sa hospital saka umalis din dahil may pupuntahan daw sila ni Tita Minerva.
"Can you stay here for a while may kukunin lang ako sa bahay" paalam ni Mom.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Teen FictionA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...