The usual silence envelope me as I enter the house. Maingat kong inilakad ang aking paa dahil ngayon ko lang nararamdaman yung sakit. Paika-ika akong naglakad papunta sa kusina para kunin ang first aid kit. It was here somewhere. I saw it once before.
Pagkatapos kong mabuksan lahat ng drawer at hindi ko nakita iyon ay tatalikod na sana ako ng mapansin ko ang mga cabinet sa itaas ng refrigerator. Binuhat ko ang isang upuan at nilagay doon para maabot ko ito.
Nang mabuksan ko ito ay agad kong nakita ang first aid kit.
"There it is!" Sabi ko.
Inabot ko ito at hinila mula sa loob ng maliit na cabinet. Nang masalo ko ito ay biglang may nahulog na mga gamot. Bumaba ako sa upuan at kinuha ito saka binalik sa cabinet.
Who's using those anyway? Hindi sila familiar sa akin. Sinarado ko ang cabinet at dumiretso sa kwarto ko para gamutin ito.
I noticed the car is not at the garage. Baka may pinuntahan sila Mom at Dad.
Agad kong ginamot ang sugat ko. It stings a bit as I rubbed a cotton on the cut. Nakailang buga ako ng hangin bago ko malagyan ito ng band-aid. Napansin ko ang phone ko sa gilid ng kama ko kaya inabot ko ito para tignan kong may text si Mom. Pero wala akong natanggap.
"Saan kaya sila pumunta?" I asked myself.
They don't usually leave without a single notice. Kaya hindi ko maiwasan isipin kung saan sila pumunta.
Are they on a date?
Siguro pabalik na din sila kaya hindi na nila sinabi kong saan sila pupunta. I decided to rest a bit para na rin maipahinga ko ang paa ko.
Magkikita kami ni Xander mamaya right? That's what he said bago niya ako ihatid dito. Makalipas ang ilang minuto ay agad akong nakatulog.
----------------
It was past seven in the evening when I woke up. Nakaramdam ako ng gutom kaya agad akong bumangon at munta sa kusina. I was hoping that Mom or Dad already cooked our dinner. But when I enter the kitchen I noticed that not even a single thing was touched. Hindi pa ba sila dumadarating?
I decided to heat the food on the refrigerator dahil tinatamad na din akong magluto. Habang kumakain ako ay naalala ko na magkikita kami ni Xander. Pero hanggang ngayon ay hindi pa siya pumupunta dito sa bahay.
Nagbihis ako at nag-ayos bago naisipan na pumunta na lang sa bahay nila Xander para sunduin siya. I haven't gone to their house either, so dadalawin ko na lang din si Tita Minerva.
Bakit ba ako excited? Wala naman sinabi si Xander na may pupuntahan kami ngayon. Feel ko lang na gusto niyang lumabas kami kaya ako pupunta sa kanila.
I locked the doors and gate bago pumunta sa kanila. Nakabukas ang kanilang gate kaya dumiretso ako sa tapat ng pinto para kumatok. After a minute the door burst open. Nakatayo sa harap ko si Tita Minerva.
Nagulat ito ng nakita niya ako. Nagulat din ako dahil mukha siyang stress. The bags in her eyes tells me she is been thinking too much. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang tawa ko at umiling lang siya at sinubukan akong kurutin sa aking tagiliran. Mabilis akong nakailag kaya hindi niya ako naabot.
"Bakit ka na dito Alex?" Kunyare naiinis siya habang tinatanong ako.
"You said I'm always welcome" I answered. "But seriously may pupuntahan kami ni Xander kaya ako pumunta dito Tita" sabi ko.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Teen FictionA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...