Chapter 28

283 7 0
                                    

Chapter 28 You said you're fine

Kinusot ko ang mga mata ko ng magising ako kinaumagahan. Medyo madilim parin ang kwarto ko dahil sa bagong kurtina na pinalit ni Mom. My eyes was fixed with the rays escaping from my curtain.

Hindi ko napigilan ngumiti.

My life right now is like this room. Dark. Silent like it always seems that a storm is approaching but there are still rays of light, of hope that someday this room will also be bright. That my life will someday be brighter than today.

Kagabi ay kumain lang ako ng pie dahil hindi na din nagluto si Mom at medyo tinatamad na din akong maluto pa. Pagbaba ko ay wala na siya sa living room kaya hindi ko na sila inistorbo pa.

Bumangon ako sa aking higaan at mabilis na inayos ang medyo nagulo kong buhok. Nang makuntento ako na maayos na ang itsura ko ay  lumabas na ako ng aking kwarto para kumain.

Madalas ay kakatok muna si Mom para magising ako pero pakiramdam ko ay iba ang araw na ito sa mga normal kong araw.

Pagbaba ko ay luminga linga ako sa paligid dahil may naririnig akong nag-uusap. Nang makumpirma ko na sa dinning area ito ay dumiretso na ako doon.

Naabutan ko si Dad na nakaupo at si Mom na nag-aayos ng mga niluto niya. Tumigil sila sa pag-uusap ng mapansin nila ako.

"Umupo ka na Alex. At sabay sabay na tayong kumain" tumingin si Mom sa akin at bumalik muli sa kusina

"May gagawin ka ba ngayon Alex?" Napatingin ako kay Dad.

Umiling ako. "Wala po. Tatlong araw daw po kaming walang pasok sa Johny Moon sabi ni Brandon" sagot ko.

Umupo si Mom sa tabi ni Dad. She placed an enough scoop of rice in Dad's plate. At tumingin sa akin.

"A friend of your Dad invites us to his son's wedding this afternoon pero gusto sana ng Dad mo na tanungin ka kung may gusto kang puntahan ngayon umaga. Any planes or what Alex?"

Agad akong napatingin kay Dad at hindi ko napigilan ngumiti. Any place is fine basta kasama ko sila. Pero napaisip ako kung saan ko ba gustong pumunta then I remembered na kulang pala yung mga damit na dala ko dito.

"Sa mall po. Gusto ko sanang bumili ng damit since kaunti lang yung nadala ko dito noon. Since we still got three more weeks before month ends I think I'll be needing new clothes" sagot ko.

"Pero pwede din naman po na bukas na lang or sa susunod na araw tayo pumunta sa mall para makapaghanda tayo sa pupuntahan natin. We don't need to hurry things mahaba pa po ang bakasyon" bahagya akong natawa.

Hindi kailangan ni Dad magmadali na bumawi. We can even just stay here and watch some movies and that would be fine.

Napagkasunduan na ni Dad at Mom na pumunta na lang daw kami sa Mall ngayon para manuod ng sine dahil matagal na daw namin itong hindi ginagawa para na din daw makabili ako ng susuotin ko mamaya kaya sa huli ay pumayag ako.

Pagkatapos namin kumain ay ako na mismo ang nagprisinta na mag-ayos ng pinagkainan namin dahil nagmamadali si Mom na umakyat sa kanilang kwarto ganoon din si Dad.

Nakangiti akong nag-hugas ng pinggan.

Napaisip ulit ako kung ano ba ang gagawin namin ngayon maliban sa mga nauna ko ng inisip. I should ask them if we could go to the photo booth para magkaroon kami ng goofy pictures.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon