Chapter 21

284 6 1
                                    

Chapter 21 Then there's a space between us

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa akin. I slowly open my eyes and groaned with the pain I felt on my body. Napansin ko na nakahiga pala ako sa upuan namin ni Xander kagabi. Pakiramdam ko ay nangalay ang likod ko dahil hindi komportable ang naging higaan ko.

I decided to sleep here dahil masyado ng madilima ng dadaanan ko kagabi at pakiramdam ko din ay baka hindi ko makayang maglakad kagabi.

Tumayo ako at inayos ang magulo kong buhok. Muli kong naalala si Xander ng palabas na ako. Kung paano niya ako lagpasan at kung bakit hindi niya ako magawang bigyan ng tingin. Muling bumalik ang mga lungkot at sakit na naramdaman ko kagabi.

I thought when I closed my eyes last night every burden will fade. Pero sino bang niloko ko? Hindi na mawawala ang sakit na ito. Perhaps I just have to live it.

I noticed the silence in this amusement park as I was walking. Even the happiest place at night has their fair share of sadness and silence. Way back then I know I have to treasure every moment because for a person like me they don't happen twice. Pero ngayon hindi ko magawang pahalagaan ang mga panahon na magkasama kami ni Xander dahil mas lalo akong nasasaktan.

I wished I could say he was like my father who leave me without a word but he did. He told me he was going somewhere. Maybe far away from me? Ngayon na nakuha ko na ang paalam na hindi naibigay ni Dad sa akin bakit hindi parin ako masaya.

Halos hindi konnamalayan na malapit na pala ako sa bahay namin. I was walking down the streets and I saw some of the people busying themselves with the upcoming parade. Palapit na ng plapit ang kapistahan sa lugar na ito. Ginulo ko ang buhok ko ng maisip na hindi na ako masasamahan ni Xander sa paglilibot at siguradong hindi na niya ako maisasayaw pa.

Tumigil ang mga paa ko sa tapat ng bahay nila Xander. Part of me wants to call him. Gusto ko mag-usap kami. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong marinig mula sa kanya ang lahat. Gusto kong siya mismo ang magsabi na tapos na kami. Para kung sakali man na gumuho na ng tuluyan ang mundo ko ang mahalaga alam ko ang rason.

Nanatili akong nakatayo sa harapan ng bahay nila. Pwede naman akong pumasok because Tita Minerva said I'm always welcome. Pero hindi na kami gaya ng dati. Xander ended up everything. Sira na rin ang pangarap ko na mag-aral kung saan siya nag-aaral. Maybe the good thing about all of this is that I won't leave my Mom anymore.

Narinig ko ang pagbukay ng kanilang pintuan at lumabas doon si Xander. Mabilis itong naglakad palabas ng kanilang bahay. Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko habang papunta siya sa kanilang gate para buksan ito.

Bakit ba ako nandito? Para tanungin siya o para magmakaawa? Pinanood ko siya habang binubuksan niya ang kanilang gate. Nakatingin ako sa kanyang mukha at ng mapatingin siya sa akin ay bigla na lang akong lumuha. Mabilis ko itong pinunasan at muling tumingin sa kanya pero parang hindi niya ako nakita dahil nagtuloy tuloy lamang siya.

Mas kinabahan ako ng lumabas ito mula doon. I look like a mess. Tumigil siya sa harapan ko kaya muli akong tumingin sa kanyang mga mata. Those eyes who always puts me somewhere magical. May nagmamay-ari na pala sa mga matang ito. Hinintay konsiyang magsalita ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay tumalikod ito at nagsimulang naglakad palayo.

Dahil sa sobrang taranta ko at takot na baka kapag tuluyan siyang naglakad palayo ay hindi na siya bumalik. Tumakbo ako at hinawakan ang kanyang kamay. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa kanya. I wanted to stop myself. Let him walk away. Dahil nakakaawa na ang itsura ko ngunit hindi ko magawa.

I didn't do anything when people are starting to disappear in my side. Halos lahat sila ay hinayaan kong umalis. I used to believe that the people who leave never intended to stay but not with Xander. Not with this guy. At kung aalis man siya gusto ko ginawa ko lahat ng pwede kong gawin para wala akong pagsisihan.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon