Chapter 16

305 9 0
                                    

A dance of sadness and pain

Pumasok ako sa loob ng nakangiti. I was even swaying my hands in the air while humming the song Xander played when he was driving home from that hill climbing. Instead of going upstairs And wash myself, I decided to go to the kitchen.

Naabutan ko si Mom na nag-aayos ng mga ginamit namin kanina. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanyang likuran. Nakangiti ako ng bigla ko siyang niyakap at halos mapatalon ito sa gulat.

Tumawa ako pero pinalo lang niya ang kamay ko. Just like the old days when I feel like I missed her.

"Ikaw talagang bata ka!" Suway niya sa akin at ngumiti din. Pero nakita ko na naman sa kanyang mata ang lungkot niya. May problema ba siya? Masaya lang kami kanina ah?

"Mom may problema ba kayo ni Dad?" Hindi ko na napigilan itanong. Tumingin ito sa akin at halatang nagulat. Mabilis itong umiling.

Is it Dad? Akala ko ba okay na ang lahat? They were smiling and laughing their lungs out. Alam kong pareho silang masaya. Those moments can't be fake I know it. Tita Minerva is smiling widely too. Masaya silang lahat. If there's something wrong mapapansin agad iyon ni Tita. Hindi ko lang talaga maintindihan kong bakit malungkot si Mom. I know something is bothering her. Pero ayaw niyang sabihin sa akin.

"I'm fine. Ako na dito magpahinga ka na. Malapit na din naman ako matapos" tinapik niya ang balikat ko at hinalikan ang noo ko.

I sighed "You can tell me everything right Mom? Just like the old days?" Tumango siya at ngumiti. Wala siyang balak sabihin sa akin. I can see it in her eyes. Muli akong bumuntong hininga bago tumalikod at naglakad paakyat ng kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong hinagilap ang phone ko. Bigla akong nainis ng maalala na hanggang ngayon ay hindi parin kinukuha ni Xander ang number ko. Paano ko siya matatawagan kung ganoon?! I want to talk to him about my Mom pero mukhang wala akong choice kundi abalahin si Scape na baka nakatulog na ngayon.

Still up? I texted.

Tumayo ako mula sa kama ko at mabilis na nagbihis when I heard my phone beep again. I heard a roll of thunder. Naglakad ako palapit sa bintana para tignan ang kalangitan. There are no stars siguro ay uulan ngayon. Dali dali kong sinuot ang teeshirt ko at tumalon sa kama. It was Scape. Mabuti naman at gising pa siya.

Yup. You okay?

Hindi ako sure. Haha!

I don't know, partially I'm happy but the sadness in my Moms eyes bothers me. Bigla kong naalala yung gabi na naabutan ko siyang umiiyak. It was because of that and maybe it's still because of Dad.

How was your day anyway? Good?

Ikwinento ko sa kanya ang nagyari buong araw. I was smiling as I try to recall what happens today. Hindi ko ininda ang pangangay sa kamay ko habang pinipindot ang screen ng phone ko. Sana sinabi ko na lang sa kanya noon na magtawagan kami hindi text para hindi ako kawawa.

Ikaw? Kumusta ang araw mo? I asked him. Ano kayang pinagkakaabalahan ng taong to sa buhay niya? Nakasalubong ko na kaya siya sa beach kapag naglalakad ako papunta sa trabaho o pauwi? Sana mameet ko siya.

My day was great. It was again extra ordinary. It was again memorable and worth my energy and time..

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Mas madrama pala siya kaysa sa akin. Wala man ba siyang balak magkwento. His answer is vague. Bahagya din akong natawa sa huli niyang sinabi. Pino-push niya parin talaga yung alien thingy niya?

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon