Chapter 26
Kung hindi ko siguro napansin ang mga malalaking sasakyan kung saan nakasakay ang mga kabataan na nakasuot ng kanilang mga custume para sa parada mamaya ay hindi na ako aahon pa sa tubig. Mula sa pwesto ko ay lumangoy ako papunta sa mababaw na parte. Hindi na ako natakot na lumangoy kahit sa malalim na parte. I can even even swim on the deep without bothering myself on what is waiting for me in there.
I brushed my hair and slowly walked from the water to the sand. I wore my slippers and reached for my towel. Nang matapos kong isuot ang aking dress ay nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay.
Okay na din siguro na magkakasama kami nila Dad na manuod ng parade matagal na namin hindi ginagawa ito.
Mas naging maingay ang buong paligid dahil sa gaganapin na parada mamaya. But it's the kind of silence that makes you feel the enthusiasm of what's about to happen. There will be a lot of people dancing in the streets, live bands walking while swaying their instruments and us the spectator.
Nang mapadaan ako sa harap ng bahay nila Tita Minerva ay nakita ko siya sa kwarto ni Xander na nakasilip sa bintana. At mukhang may malalim na ini-isip.
"Tita Minerva!" Natatawa kong tawag sa kanya. Hko napigilan tumawa ng makita ko ang bigla niyang pagtayo dahil sa gulat.
Kahit hindi na yata kami magpapansinan ni Xander ay hindi parin mawawala ang pagkakaibigan namin ni Tita Minerva. I wonder if she knew what's happening between us. Alam ba niya noon pa na may girlfriend na pala si Xander. But if she knew then she wouldn't allow me to be with Xander and spend days like a couple it that's the case.
"Siraulo ka talagang bata ka! Kita mo na nagmo-moment ako dito!" Sigaw niya habang tinuro-turo niya ako na mistulang gusto niya akong kurutin ng kurutin.
Tumawa ako at umiling sa kanyang inaasta.
Itinaas ko ang dalawa kong kamay at tumalon talon para inisin siya. It was her turn to shake her head.
"Manonood ako ng parada mamaya hah! Sasabay ako sa inyo" sigaw niya.
Tumango ako at tumawa.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay narinig ko si Mom at Dad na nagtatawanan sa loob ng kusina. Nang umakyat ako ay napatingin sila sa akin.
"Sabay sabay na tayong kakain Alex!"Mom shouted.
"Magbibihis lang ako Mom" I replied bago tuluyan na umakyat papunta sa aking kwarto.
Both of them are giving me glimpse while we are eating. Hindi ko naman matanong kong anong gusto nilang sabihin. Nakahinga ako kahit papaano ng tumigil sila.
"May pupuntahan ka ba after the parade anak?" Tanong ni Mom.
Nag-angat ako ng tingin at umiling sa kanyang tanong. Tumingin ito kay Dad saka bumaling sa akin.
"Hindi ba kayo magkikita ni Xander?" She added.
Napatigil ako sa pagkain. Hindi ko alam kong paano siya sasagutin. Mukhang hindi na kami kailan man magkikita Mom.
"Hindi po. Wala din naman siyang sinabi" pagsisinungaling ko.
Palagay ko naman ay nakuntento siya sa sagot ko kaya hindi na siya muling nagtanong tungkol kay Xander.
"Pwede mo bang samahan ang Dad mo mamaya pagkatapos ng parade?" Ramdam ko ang pag-aalangan ni Mom habang nagsasalita siya.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Подростковая литератураA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...