Chapter 20

295 5 0
                                    


Chapter 20 My Kind Of Fireworks

"If you'll be given the chance to choose between happiness or sadness what will you choose?" Xander asked me.

Nanatili akong nakayakap sa kanya. I hugged him tighter. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. But I know I'll choose happiness. Who wouldn't want it right? And for a girl like me who've  been in a room full of sadness I won't hesitate. I'll choose the first one.

"Ako.. I chose happiness. At hindi ko alam kong mali ba ang naging desisyon ko." Hinayaan ko siyang magsalita. Dahan dahan siyang kumalas sa yakap namin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakangiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa mga upuan namin. Umupo ako at binalik ang tingin ko sa kanya.

"These past weeks, I've been telling you the story of my life. Don't you think you owe me your story too?" He smiled and glanced at me.

"Sige na. Kwento ka na. Huwag mong sarilinin lahat" pagpilit niya sa akin. Bumuntong hininga ako. Mas sanay yata ako na isipin ang mga tungkol sa akin kaysa ibahagi ito sa ibang tao.

"My story is not exciting. Definitely not a good one to be shared" walang gana kong sabi. Pero umiling siya.

"Anong plano mo pagkatapos mong mag-aral?" Masigla niyang tanong.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Mukhang wala na yata akong kawala sa kanya. Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita.

"Matulog?" I answered. He frowned for a while pero ngumiti din siya agad.

"KJ ka!" Pang-iinis niya.

"After I finished my studies, I'll work and save up some of my salary to build my own restaurant. Yung gaya ng restaurant ni Brandon. I'll also want to take culinary para matuto din akong magluto gaya ni Chef Mia. I want me and my husband to manage that restaurant, a kind of restaurant where families can enjoy eating and a place where they can feel their family loves them too." I said. Hindi ko maiwasan ngumiti habang iniisip ko ang mga pwedeng mangyari pagkatapos kong mag-aral. I was visualizing the future with Xander as my husband.

"At gusto ko din ng anak gaya ni Sky" I added. I giggled at the thought of having a son like Sky.

"Since you've been asking me to tell something about myself, I also want to have a family like them. A complete family happily living each day. Basta yung hindi gaya ng pamilya ko. Gusto ko yung buo. Yung walang ama na iiwan kami sa ere. Yung walang ina na iiyak gabi gabi dahil sa sakit at kalungkutan. At yung walang anak na magkukunwaring masaya pero iiyak sa kanyang kwarto para itago sa kanyang ina ang kanyang sakit na nararamdaman."

Tumingin ako kay Xander havang nakangiti. Nakatingin din siya sa akin.

"Kung ganoon dapat humanap ka ng asawa na hindi ka iiwan. Yung asawa ng siguradong malakas. Yung masiyahin, maalaga at hindi na kailangan pang alagaan araw araw." Tumawa ito.

Nahanap na kita Xander. Kaya hindi mo ako pwedeng iwan. Magkaka-anak pa tayo.

Humilig ako sa balikat ni Xander. Pinanood namin ang mga tao na nagkakasiyahan sa baba habang patuloy parin ang pagtugtog ng kanty mula sa kanyang cellphone. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarinig ako ng sigawan mula sa baba.

There was a count down. Para saan? Napatingin ako sa paligid ng Amusement Park. People gathered on the middle of this place at kahit malayuan ay pansin mo na nagkakasiyahan sila. Humigoit ang hawak ni Xander sa kamay ko. Kaya napatingin ako.

Nakatingin ito sa madilim na kalangitan na nasa harapan namin. Huminga siya ng malalim at pumikit. Kasabay ng kanyang pagpikit ay nahulog ang isang butil ng luha.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon