Slowly
Everything was set for my part time job. Maaga rin akong nag-ayos kahit hindi ko alam kong ano ba dapat ang isusuot ko. The owner didn't gave me instruction on what will I wear today O baka nakalimutan na din niya kahapon na sabihin kaya nagpasya akong magsuot na lang ng simpleng khaki shorts na light brown at white na long sleeves na manipis. Pagkatapos kong maglagay ng kaunting press powder at lipstick na hindi naman talaga ako sanay gamitin ay agad na akong bumaba.
Pagbaba ko ay agad kong naamoy ang pagkain sa kusina kaya dumiretso ako doon. Nahanap agad ng mata ko ang pinanggagalingan ng mabagong amoy kaya dumiretso ako sa dinning table at agad itong tinikman.
Napadami ang nakain ko at saka ko lang ito napansin ng halos maubos ko na ang nasa plato na pagkain at doon ko na din napansin si Dad nakasandal sa refrigerator habang nakangiti at pinapanood ako. Bigla akong natubuan ng hiya paniguradong siya ang nagluto nito dahil hindi naman magaling magluto si Mom. At marahil iniisip niya ngayon na nagustuhan ko ang kanyang niluto.
I cleared my throat and stand. Binuhat ko ang bag ko saka mabilis na tumalikod sa kanya at naglakad palabas ng kusina. Shit. Nakakainis!!
"Good luck sa first day mo Alex!" Narinig kong sigaw niya.
Hindi ako lumingon at agad na dumiretso palabas ng bahay. Napatadyak ako sa lupa dahil sa kahihiyan ko.
Tumakbo ako papunta sa restaurant kung saan ako magtratrabaho dahil five minutes na lang ay siguradong late na ako. Siguro na-consume ng pagkain ko yung sobra kong time kanina.
Pagdating ko sa restaurant ay naabutan ko si Brandon na nagpupunas ng counter. Agad ko siyang binati.
"Good morning Brandon!" Masigla kong pagbati sa kanya.
"Good luck sa first day mo dito Alex" Brandon replied. Itinuloy niya ang paggupit ng mga papel na palagay ko ay ididikit niya sa harap nitong resto.
"Alex ayusin mo na lang muna yung mga upuan at punasan mo na din yung mga glass wall" utos niya.
Tumango ako at mabilis na inayos ang mga upuan. I wonder what will happen today. Will I encounter rude costumer? Or generous one? I'd prefer the latter. I was humming with the music played inside the resto when the front door suddenly opened.
Hindi ba eight thirty nagbubukas itong resto? Agad akong tumingin sa pintuan para sabihin sa kapapasok na costumer na hindi pa kami nagbubukas ng bigla akong napanganga ng makita ko kung sino ang pumasok. Bakit siya nandito? Ako ba ang sadya niya dito? Ito ba yung sinabi niya na mag-cacatch-up kami for the years na hindi kami nag-usap? Masyado na naman akong nag-iisip ng mga bagay na malabo na namang mangyari baka pumunta lang siya dito dahil oorder siya.
Muli kong tinuloy ang pagpupunas ko ng mga upuan. I wonder why he enter this restaurant hindi ba niya napansin yung sign sa labas na hindi pa bukas ang resto?
Hinintay kong sabihin ni Brandon sa kanya na hindi pa kami bukas ngunit wala akong narinig."Alexander ikaw na kumuha ng uniform ninyo ni Alex sa locker"
Biglang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig ko. Anong ibig sabihin ni Brandon? Dito din ba siya magtratrabaho? Paanong nangyari ito?
"Okay I'll get those uniforms but can I ask you a favor? It would be a lot better if you call me Xander rather that announcing my whole name it sounds so vintage actually"
Tumawa si Xander saka naglakad papunta sa locker room. Agad akong sumunod sa kanya. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang naghahanap ng mga sizes ng damit. Sumandal ako sa pader at tumingin sa kanya with my suspicious eyes habang naka-crossed arms. Sigurado akong hindi siya pumunta lang dito para mag-part time. Kung tama ako ay lagi akong binu-bully ni Xander noon kahit na kaming dalawa lang naman ang laging magkalaro. Baka gusto niya akong matanggal agad dito kaya siya nag-apply? Aba! Subukan lang niya, kahit crush ko siya sasapakin ko talaga siya kapag ginawa niya yun.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Novela JuvenilA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...