Chapter 7

501 7 0
                                    

Sabay kaming umuwi ni Xander. We were walking the silent streets near the shore without saying anything. Tumigil ito sa tapat ng kanilang bahay. Akala ko ay papasok na ito ngunit tinawag niya ako.

"Good night Alice. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka" ngumiti ako at tumango.

Naging hudyat iyon para siya ay pumasok sa kanilang bahay.

Hindi pala maganda ang kanyang pakiramdam kahapon pero kung inisin niya ako ay parang wala ng bukas. Bigla akong nagsisi sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

Habang naglalakad ako papasok sa pintuan ay napansin ko ang mga kulay puting mga rosas. Bigla akong tumigil sa paglalakad at humarap sa mga ito. Dahan dahan akong pumitas ng dalawang bulaklak saka ito tinitigan.

When I was a kid Dad and I used to spend some of our time in the garden. My Dad has a heart for plants kaya nakahiligan ko noon siyang samahan kapag didiligan niya ang mga tanim niyang bulaklak at doon ko nagustuhan ang mga tanim niyang rosas. That's the reason why he almost turned our garden into a rose garden.

Alam niyang paborito ko ito. Iyon ba ang dahilan kaya niya tinanim ito dito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong halos mga rosas din ang mga halaman sa harap ng kaniyang bahay.

Tuluyan akong naglakad papasok ng bahay. I think I'm about to forgive him for leaving us behind ngunit may isa na lang. Hanggang ngayon a hindi ko pa rin alam kong bakit niya kami iniwan. Hindi naman niya pinagpalit si Mom. So I wonder what's the reason behind his actions? 

Pagbukas ko ng pintuan ay eksaktong nakatanggap ako ng text mula kay Mom.

Mom: Nakauwi ka na ba?

Mom: Alex take care of yourself for the meantime hindi na namin nasabi sayo na may bibisitahin kaming kaibigan ngayon at baka magtagal kami ng tatlong araw dito.

Mom: You'll be okay there right? Tita Minerva will visit you from time to time, okay? Just call me if you need something. Love you anak...

Hindi ko na lang masyado itong pinagtuonan ng pansin. Kaya ko naman alagaan an sarili ko and besides kailangadin naman nila ng oras para sa isa't isa.

Binuksan ko ang telebisyon at umupo muna pansamantala. Despite of the sound coming from the television it feels like the house is still quite. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nakakapansin nito but the house seems to suffer and witnessed a lot.

Pagkatapos kong magluto ng pagkain ko ay muli akong bumalik sa panunood. Hindi pa naman ako gutom kaya naghanap muna ako ng pwede kong panuorin na movie. Pagkatapos kong pumili ng panunuorin ay muli akong pumwesto na umupo.

I sighed. Nagsisimula na akong maboring kahit mag-iisang oras pa lamang akong mag-isa sa bahay na ito. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga pinagkasunduan namin noon ni Mom na pagkatapos nitong bakasyon na ito ay mag-aaral na ako sa States. That I'll live independently. Pero sa itsura ko ngayon malabo na makaya ko ang buhay na mag-isa. I tend to feel sad whenever I'm alone especially when I know I can't ask anyone to come by and talk to me. That's one of my weakness. I don't have anyone aside from my Mom and Tita Minerva.  I don't have friends who will spend the rest of the night talking to me over the phone over nonsense matter. Kaya kahit papaano masaya ako at kinakausap ako ni Xander.

Tumayo ako at inabot ang remote ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha dahil akala ko si Mom ang nagtext. Ngunit unregistered ang number. Binuksan ko pa rin ito sa kadahilanan na baka importante ito.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon