Scape knows best insert sarcasm
Medyo tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Dahil siguro natagalan kami ni Scape sa pagpapalitan ng text kagabi. Kaya mabilis akong tumakbo sa banyo para maligo.
Hindi naman magagalit si Brandon kapag na late ako pero nakakahiya naman sa kanya. Hindi na ako kumain at siguradong matatagal ako nito kapag nagluto pa ako.
Pagkatapos kong i-lock ang gate ay tumakbo na ako. I saw Tita Minerva along the way kaya tumigil ako para batiin siya.
"Good morning Tita" masigla akong bumati sa kanya.
Umiling ito at pinanliitan ako ng mata. Scanning something that only Tita Minerva knows.
"Ginabi ka din ba sa pagtulog?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Puyat din si Xander eh. Pero nauna na siyang pumasok sa trabaho niyo" hindi ako umimik. Bakit naman napuyat si Xander? May katext din ba siya kagabi?
Now that I think about it. Hindi ko pa pala nakukuha ang cellphone number niya. Pero dapat ba na ako ang mauna na? Hindi ko tuloy maiwasan mainis dahil hindi man lang niya kinuha ang cellphone number ko.
"O siya. Pumasok ka na at siguradong late ka na. Tsk, kayo talagang mga bata kayo" umiling iling ito bago naglakad papasok sa kanilang gate.
I waved her goodbye bago muling tumakbo.
"Mag-ingat ka baka madapa ka!" Narinig ko na sigaw niya. Ngumiti lang ako at mas binilisan ang pagtakbo.
Nakarating ako sa harap ng Johnny Moon Restaú & Café kung saan ako nagtratrabaho. Hinila ko ang hawakan ng pintuan at pumasok. The sound of the metal pipes disturb everyone inside.
Nakatingin ang mangilan-ilan na costumer sa akin bago binalik ang tingin sa kani-kanilang ginagawa. Tumingin ako sa kanang parte dahil ramdam kong may nakatingin sa akin doon at hindi nga ako nagkamali. Nakatingin sa akin si Xander.
I swallow the lamp in my throat. Naiwas ako ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa locker para ilagay ang bag ko.
Nakasalubong ko si Brandon. Nag-aalangan akong ngumiti. Ngumisi ito at tumingin sa likuran ko.
"Buti na lang mas maaga sa iyo si Xander. He did all the job" tumingin ako sa likuran ko at nakita kong sinundan pala ako ni Xander.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko na sumunod siya sa akin. Bakit ba siya sumusunod? Is he going to confess?
Pagsara ko sa locker ko ay nakita ko agad aiya na nakasandal sa pintuan.
"What?" Medyo napataas ang boses ko. I wanted to sound angry pero kalaunan ay naisip ko rin na hindi iyon maganda. Lalo pa at wala naman akong karapatan magalit. Alangan naman na sumigaw ako at sabihin na hoy ano na Xander hindi ka pa ba aamin na gusto mo ako? Ako pa ba ang dapat mauna?!
I shook my head. Siguro ay iniisip na ni Xander na may sira ako sa ulo pero wala akong pakialam. Iung wala din naman siyang sasabihin o aaminin huwag na lang niya ako kausapin!
"Galit ka ba sa akin?" Nakangisi niyang tanong. Is he playing with me now?!
Pinanliitan ko siya ng tingin. Ngunit hindi siya natinag. Kahit nga pala suntukin ko siya ay hindi niya iniinda. Hindi na ako nagtaka kung hindi siya matakot sa masama kong tingin.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Teen FictionA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...