Pretend Deny Lie. That's me
Pagpasok ko sa bahay ay agad kong sinarado ang pintuan at sumandal dito. Bakit ba ako tumakbo? That was my chance but I blew it! Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Ilang taon ko din na hinintay na makita ko siyang muli pero bakit kung kailan nandito na siya hindi ko naman magawang harapin siya.
In the back of my mind siguro tama din na tumakbo ako dahil baka kung humarap ako at kinausap ko siya ay baka tuluyan na din akong matunaw at baka kung ano ano ang masabi ko sa kanya.
"Maaaring naiwasan mo siya ngayon Alexandra pero sa susunod baka hindi na" I told myself.
Naglakad ako papunta sa kusina. Bigla akong nagutom dahil sa pag-iwas ko kay Xander. Pero kahit sandali ko lang siyang napagmasdan ay hindi ko maikakaila na gwapo talaga siya! Good choice talaga siya..
Pagpasok ko sa kusina ay agad akong dumiretso sa mesa para uninom ng tubig at agad ko din itong pinagsisihan. Naabutan ko si Dad na kasalukuyan pala na naghahanda ng pagkain. I immediately drink into my glass saka tumalikod ngunit napansin niya agad ako.
"Alex, sandali na lang to. I'm almost done preparing our dinner. Maupo ka na lang muna diyan papunta na din naman ang Mom mo dito. Gutom ka na ba?" He smiled.
Gusto ko sanang ngumiti ngunit hindi napigilan ng gilid ng labi ko na tumaas dahil sa kanyang sinabi.
"Kumain na ako kanina sa labas and I don't want to share the same table with you" I said. Remind yourself to be kind to him Alex! Kahit kaunti lang.
Bakas sa kanyang mukha ang gulat dahil sa sinabi ko sa kanya. He was frozed for a second before forcing a smile out of his lips.
"Ganoon ba... Sige kumain ka na lang kapag nagutom ka ulit. Ilalagay ko na lang sa oven yung pagkain mo" he replied, completely ignoring my side remark towards him.
Agad akong tumalikod at naglakad papunta sa kwarto ko. Sige lang Alex. Deny all the way and as long as you can! Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi ko. Hindi pa ako kumakain at gutom na gutom talaga ako ngayon pero hindi ko siya gustong makaharap habang kumakain. Not now and not this time.
Bigla kong narealise na parang may split personality ako. I'm being so nice and kind to everyone outside this house pero kapag nandito ako sa loob kinaiinisan ko naman ang mga kasama ko. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay naramdaman ko na agad ang sobrang gutom ko. Shet lang!!
Sinubukan kong maghanap sa bag ko at sa drawer ko dito sa kwarto baka sakaling may mahanap akong pagkain. Dati kasi lagi akong naglalagay ng mga chocolates at mga finger foods sa kwarto ko doon sa bahay namin ni Mom ngunit hindi ko yata maalala na magdala ng mga pagkain dito. After minutes of scanning through my bag, may nakapa akong sa bag ko. Bahagya akong ngumiti thinking na baka isa ito sa mga chocolate candy na natira sa bag ko ngunit agad naglako ang expectation ko ng makita ko kung ano ang hawak ko.
It was a mint candy for pete's sake! Max to be exact. Walang gana kong binuksan ito at kinain.
Inabot ko ang wallet ko na nasa side table at ang grey jacket ko saka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Maybe, I really need to stand with my words. I have no choice but to eat on any restaurant or convenient store na bukas pa hanggang ngayon. Pagbaba ko ay narinig ko ang usapan nilang dalawa sa kusina. They are having a good time catching up kahit papaano ay maganda din na napapasaya niya si Mom. Sana lang ay hindi siya masaktan sa huli.
Paglabas ko ng bahay ay tumingin muna ako sa paligid and to be exact sa mismong bahay nila Tita Minerva dahil mahirap na baka nasa labas lang si Alexander. Ng makita kong wala naman tao sa lawn nila nila ay nagsimula akong maglakad papunta sa pinakamalapit na convenient store.
BINABASA MO ANG
When Time Runs Out
Novela JuvenilA story about family, childhood sweetheart, first love, promises, second chances and the mysterious way in life that lead you back home. A story about who you were and who you will be. The moments that makes you feel alive and the times that will ma...