Chapter 3

640 11 1
                                    

Strange Feeling

Bigla akong napatigil sa pagtawa ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Damn, my head is throbbing in pain!! Pagtingin ko sa tabi ko ay muli na naman akong tumawa ng malakas.

Dahil siguro sa epekto ng nainom ko kaya halos umikot na ang paningin ko. My vision towards this person sitting beside me is helpless!! Masyadong malabo ang paningin ko na tanging ang ilaw na lamang ang naaaninag ko.

Nanatili akong nakasandal sa upuan. I don't know I just suddenly love the silence that enveloped me and this person sitting beside me.

Lumingon ako sandali sa katabi ko.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?" Tanong ko.

I heard him laugh saka siya humarap sa akin. The way he laugh is so manly. Kahit na nakatingin ako sa madilim na kalangitaan ay ramdam ko ang kanyang mga tingin sa akin.

"Don't stare at me for that long" humarap ako sa kanya saka ngumisi "Madaming nahuhulog sa ganda kong ito. Ikaw din baka mapabilang ka sa kanila"

I was trying to recognised this person in front of me pero hindi ko magawa. Kaya imbes na pahirapan ko ang sarili ko ay napagpasyahan ko na lang na tumayo at umuwi. Agad akong tumayo ngunit bigla akong nawalan ng balanse , mabuti na lang at agad niya akong nasalo. Naramdaman ko ang maingat niyang pagbalik sa akin sa upuan.

"Ano ba ang ngini-ngitian mo dyan!! Pasalamat ka at lasing ako hindi kita magagawang sapakin dyan!" Sabi ko.

Nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang pinipilit niyang pigilan ang pagtawa niya. Bahagya akong naasar ngunit hinayaan ko na lang siya.

"Hindi ka man lang ba magsasalita? Kanina pa ako ditong nagsasalita dito. Hindi ka man lang ba sasagot?" Muli itong ngumiti at tumawa ng bahagya

"Tsk.. Akala mo ba mahuhulog ako sa mga ngiti mo na yan?" I was referring to the person beside me. "Kahit akitin mo pa ako may mahal na akong iba. But unfortunately he's studying abroad at hindi natuloy ang bakasyon niya sa Pilipinas kaya hindi ko na naman siya makikita. But don't worry after this summer vacation masusundan ko na siya doon and will be together forever"

I was talking nonsense shouting and pointing this stranger besides me. At dahil na rin sa pagod at pagkahilo ko ay naisipan kong sumandal na lang sa katabi ko. He didn't insist kaya naging comportable ako na nakasandal sa kanya.

"Matutulog lang ako sandali hah!! Don't even dare moving or going away hanggat hindi ko sinasabi. Huwag mo akong iiwan gaya nila" paalala ko. I sighed before closing my eyes.

I tapped his cheeks before I close my eyes trying to calm my system. Kunting pikit lang ng mata mawawala din ang pagkahilo ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla siyang nagsalita. Napangiti ako ngunit agad din itong naglaho dahil sa tanong niya.

"Are you always like these?" He asked. "You keep on smiling but your eyes are telling me the opposite"

May lungkot sa kanyang boses as if this stranger is disappointed with my actions. Habang nakapikit ako ay pilit kong inaalala kong sino nga ba ang lalaking to. His voice is familiar ngunit hindi ko magawang magconcentrate.

I didn't bother opening my eyes to look at him. I forced a cheeky smile while my eyes are still close at inisip na huwag na lang sagutin ang tanong niya tutal hindi ko naman kilala kung sino siya.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon