Chapter 25

295 6 0
                                    

I was enveloped with silence for a couple of minutes and it makes me nervous. My heart is pounding hard still because of confessing everything to Alex. Nanatili akong nakasandal sa aking sasakyan. Waiting for her reaction. Waiting for her to go out of this damn car that's dividing us pero hindi siya lumabas.

Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Was she crying inside? Was it worst than I thought?

Hindi ko alam kong paano ko siya kakausapin. Kaya naghintay pa ako ng ilang minuto. Hoping, just hoping she will say something. Na baka hindi siya galit at baka nagulat lang kaya hindi nakapagsalita.

But I waited for more than ten minutes at hindi ko napigilan magtaka. Dahan dahan akong yumuko para tignan siya sa loob at mas napakingan ko ang pagtutog ng player ng sasakyan ko.

Nang makita ko siya sa loob ng aking sasakyan ay hindi ko napigilan sapakin ang sarili ko dahil sa katangahan. She was comfortably lying in her seat habang nakanganga ng kaunti ang kanyang bibig at magulo ang kanyang buhok.

I was stunned for a minute until I realized how unfortunate I am because of what happened. Siguro kanilang lumabas ako ng sasakyan ay inaantok na siya. And standing here and deciding what to tell her must pull her to a deep slumber. Bakit hindi ko man lang kasi naisipan na tignan siya kanina kung nakikinig siya!

Why can't the timing just be right? Halos ibuhos ko na lahat ng lakas ng loob ko kanina para sabihin sa kanya lahat pero nakatulog na pala siya. How can I gather the strength again to confessed to her? Baka sa susunod na sabihin ko hindi na niya ako tanggapin. O baka sa susunod hindi ko na masabi sa kanya ang mga dapat ko pang sabihin.

Napasipa ako sa lupa at bumuntong hininga. Maybe I'll just try again tomorrow. Siguro hindi pa talaga tinadhana na aminin ko sa kanya ngayon. But I need to trust Him. I need to trust His plans for me kahit na ngayon ay hindi ko maintindihan kung ano ang susunod na mangyayari.

Kung kanina ay sobra ang kaba at takot sa dibdib ko ngayon ay kumalma na ito. Tanging pag-aalala na lang at kalungkutan ang nandito. Pumasok ako sa aking sasakyan. Sumandal ako sa aking upuan at humarap sa kanya.

Banayad ang kanyang paghinga. She look calm but I know the truth. That when she wake up and open her eyes everything will again be shaken. Nilagay ko sa likod ng kanyang tenga ang takas niyang buhok. Pinunasan ko ang tumulo niyang luha na sigurado akong ako ang may kasalanan.

"Sorry Alex. I never want any of this to happen. Sana mapatawad mo ako" pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mga mata. Tama na Xander. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Sabihin mo na sa kanya bukas ang lahat. Tapusin mo na ito.

Be a man at least. Face the consequences of your selfish action. Pumasok sa aking isipan ang mga pwedeng mangyari bukas. Stop this Xander. The more you look at her the more you want to stay with her and the more it will hurt her. Kaya tama na, itigil mo na ang kahibangan na ito,

Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang nagmamaneho ako pauwi. Halos wala ng sasakyan ang nasa kalsada maliban sa amin at sa bawat segundo na nasa tabi ko siya ay iba't ibang mga walang silbing ideya ang pumapasok sa aking isipan. It's a good thing that the music entertains me the whole drive.

Tinigil ko ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Nakabukas na ang ilaw nila sa loob. Siguro ay nakauwi na sila Tita ngayon mula sa bakasyon nila.

Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may makakasama na si Alex.

I glance at Alex who was still sleeping. Napangiti ako. Kapag talaga nagsimula na siyang matulog ay mahirap na siyang gisingin at hindi parin siya nagbabago. It was just me who changed.

Lumabas ako at nilakad ang distansya papunta sa kabilang pintuan na nasa tabi ni Alex. I have no choice but to carry her kaysa naman gisingin ko pa sila Tito Andy para buhatin siya dito.

When Time Runs OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon