Sa loob ng isang malaking flower shop, bising-busy and dalawang babae sa pagi-entertain ng mga customer. May sale kasi sila ngayon. Marami na ring mga bulaklak ang kanilang naibenta, but customers kept coming in for more.
"Ate Swan, the heavens are open talaga today!" namamanghang wika ni Rose kay Swan Villega habang inaasikaso nito ang isa nilang customer na kanina pa naghahanap ng bulaklak.
"Sir, okay na ba itong bouquet sample na ginawa ko?" ani Swan sa ginoo na edad 50. Halos thirty minutes din siyang naghanap ng mga bulaklak na mag-a-appeal sa taste nito. Gagamitin kasi iyon sa wedding anniversary ng pamangkin nito sa Linggo na darating. Sa totoo lang pabalik-balik na siya sa pag-a-arrange ng bouquet pero ang hirap talaga itong ma-please. But she wanted her customer to leave satisfied.
"Just perfect!" appreciate nito. Sa sobrang satisfied inabutan siya nito ng invitation card. "My labor was not in vain! Tama nga ang balita, the service here is really great!" puri nito. Malayo pa kasi ang biniyahe nito para lang makapunta sa shop nila.
Tumaba ang puso niya sa narinig. At least hindi nasayang ang kanyang pagod. Naningkit sa tuwa ang magaganda niyang mga mata. Her pink-peach lips smiled wide.
"Ay hindi lang po 'yon, sir..." sabat naman ni chubby Rose. Two years na niyang employee ito. Dahil ulila na siya sa mga magulang at more than three years nang patay ang lola niyang nagpalaki sa kanya, itinuring na niyang kapatid ito. Rose was 23, she was 25.
"...Napaka-humble pa niya!" pagmamalaki nito. "Sa katunayan, hindi siya trabahador dito, kundi siya ang may-ari po."
"Sepsep, gusto mo lang taasan ang sahod mo," biro niya rito. Pero totoo naman, kahit na siya ang may-ari ng flower shop, kung makapagtrabaho siya wagas, akala mo first day as a hired worker.
Napahalakhak ang matanda sa narinig. "Hope to see you at the anniversary!" anito saka lumabas ng shop. Paglabas nito ng pinto, muling tumunog ang wind chimes na nakasabit sa may taas ng pinto.
"Grabe Rose! Isipin mo, naging one day sale ang two day sale natin!" Her lovely eyes sparkled.
"Bukas kasi ang kalangitan!" nagagalak nitong tugon.
"Naniniwala na ako sa iyo! Malaki nga ang nagagawa ng panalangin!" aniya sa kasama. Talagang malaki kasi ang ipinasok ng ginoo sa kanilang sales.
"Oo naman 'no! Siya nga pala, Ate Swan baka gusto mong sumama mamaya sa Bible Study Group namin," yaya nito. Isang buwan pa lang itong dumadalo. Ilang beses na rin siya nitong niyayaya.
"Ay Rose, naku pasensya na, pero medyo napagod ako," hingi niya ng dispensa rito. "Pero promise, next time sasama ako," pangako niya. Hindi naman awkward para sa kanya na dumalo sa mga ganoong pagtitipon dahil pinalaki siya ng mga magulang na may takot sa Diyos. Hindi nga lang niya masyadong naseseryoso iyon dahil talagang busy sila sa shop, medyo pata na nga ang katawan niya sa kakaasikaso ng mga clients nila ngayon.
"Ok, no problem," wika nitong punong-puno ng pang-unawa. "May next time naman, don't worry."
Ilang saglit ay nag-ayos na sila ng mga natirang bulaklak sa may shelves. Lima ang employees niya sa shop pero naging dalawa lang sila ng araw na iyon dahil lahat may sakit. Nang mapansin na medyo may improvement na sa mga display nilang bulaklak sa shelf, nagpaalam siya saglit sa kaibigan.
"Rose, dito muna ako sa office. I need to fix some papers kasi."
"Sure Ate," anito na magiliw pa ngang nag-thumbs up. "Kayang-kaya ko na ito."
Dumiretso na siya sa maliit niyang office. She felt more relaxed now. Paano may aromatic candle siyang nakasindi sa may lamesa niya. And her pink swivel chair looked so soft and very inviting.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...