Hindi mawari ni Kyle kung paano niya nakukuhang pigilan ang sarili na hindi ipagtapat na kaagad ang lahat kay Swan. Sa totoo lang, nung una pa lang niyang narinig ang boses nito sa kanyang likuran ay gusto na niya itong hapitin sa baywang at hilahin at paulanan ng isang matidning sunggaban ang baywang ng kaharap at gawaran ito ng halik na walang-dudang nagpapahayag ng matindi niyang pangungulila.
Nalaman niya mula kay Rose ang katotohanan. Nagkamali pala siya ng interpretation noong nakita niya ang asawa at si Steve sa airport na magkayakap. Hindi pala ito sumama, hindi siya nito ipinagpalit.
Ako pa rin pala ang mahal niya! At enough na ang ideyang iyon upang balikan niyang muli ang Pinas, ang lugar kung saan naiwan ang kalahating parte ng kanyang puso, sa asawang mukhang kahit ilang beses pang magkasala sa kanya, ay uulit-ulitin niyang patawarin.
Naikuwento kasi mismo ni Swan kay Rose na nagpunta ito ng airport sa mismong araw ng kanyang flight departure. Si Steve ang naging paraan upang magdesisyon ito na habulin siya. Pareho rin kasi ng pupuntahan ito dahil pabalik na ito ng Canada, kaya lang namis-interpret ng binata ang mga kilos daw ng kanyang asawa.
Ngayon nauunawaan niya na ang yakapan ng dalawa na nakita pala niya sa airport was a last farewell hug. Kaya pala abot langit ang ngiti sa mga labi ni Swan noong mga oras na iyon. Finally, she was totally set free from Steve's presence!
It was clear, heaven was on his side!
And now he was here, in front of her, ready to claim her back, finally !
Pero ayaw niyang maging masyadong mabilis ang pagtatapos ng mahaba nilang dramatic fairy tale. He wanted to fulfill a promise, first.
Kaya naman nang nagtangka itong iwanan na sila ni Rose agad niya itong pinigilan.
"Swan, teka lang...'wag mo muna akong iiwan," pigil niya rito habang nakahawak sa bisig nitong makinis. Her soft skin gave his body a sweet indescribable sensation.
"B-bakit?" medyo mamula-mula na ang mga mata nito. "Marami pa akong gagawin. Tsaka baka makita pa ng...ng...g-girlfriend mo na magkasama tayo baka magselos pa siya."
"What?" bulalas niya. Doon lang niya na-realize na hindi pa rin nito alam na wala siyang ibang naging ibang babae sa buhay niya sa States. Ang babae na tinutukoy niya na magiging may-ari ng shop nito ay walang iba kundi si Swan mismo.
Hindi siya papayag na ipagbenta ang pinaghirapan nitong shop para mapunta lang sa kung sino. My gosh, didn't both of them make wonderful memories in that place? And he will do his best to keep those memories in place.
"Swan, pahiram ng sapatos mo," aniya dito.
"B-bakit?" naguguluhan nitong wika.
"Basta..."
Maingat niya itong inalalayan habang tinatanggal nito ang sapatos na may three inch heels. She gasped when he wore them.
At least alam ko na ang pakiramdam ng mga karibal ni Cinderella noong sinusuot ng mga iyon ang glass slipper niya. His feet were a size 9, samantalang si Swan ay 7 lang. He was wobbly.
Inilapit niya ang sarili sa asawang 'di na mawari ang ekspresyon ngayon ng mukha. Narinig pa nga niya ang ilang dalaga na lumampas sa kinatatayuan niya.
"Sayang ano, ang guwapo pa naman niya! Kaso bading pala!"
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...