SOBRANG nababahala si Kyle nitong mga nagdaang mga araw. May sakit daw na malubha ang Tiya niya kaya sila kinukulit na lumipat na ng States. Dagdag pa sa pag-aalala niya ang asawa niyang hindi niya mawari kung bakit magmula noong huling punta niya ng class program ay parang nanlamig bigla sa kanya. Tapos ngayon mukhang papasok na ito ng trabaho nang hindi man lang siya inaantay.
"Mauuna na ako sa iyo Kyle," paalam nito sa kanya. Ni hindi man lang ito humalik.
"Susunduin kita mamaya sa closing ha," pahabol niyang salita rito.
"H-hindi ka pupunta ng shop?" He was under a scrutinizing stare.
"May importante akong pupuntahan na client." Ano bang problema na naman sa ating dalawa?
"Ok." Lumabas na ito ng pinto.
He was hurt. Nagtungo siya sa higaan. Hindi ko na alam kung paano kita pakikitunguhan Swan! Lukot na ang kanyang mukha. Akala ko magiging madali na ang marriage life kapag nag-enroll ka sa isang Marriage Stability Class, hindi rin pala. Nilamukos niya ang sariling mukha. Rule # 3 Women are unpredictable. Ibig sabihin ba nito paulit-ulit kong mararanasan ito?"
Ang unpredicatable nature ng pagiging isang babae nito ang dahilan kung ba't hindi niya mai-open up ang tungkol sa pagsulpot ni Vera Calleon muli sa buhay niya. Nakakakitaan pa rin niya kasi si Swan ng ilang insecurities. Ayaw naman niyang mag-away lang sila dahil kay Vera or much worse be separated again.
Kaya nga saglit lang niya itong kinausap sa may ice cream shop. Nagpalamig lang siyang saglit doon. Malay niya ba na magkikita sila roon. Ayaw naman niyang mambastos kaya nagtagal siya ng ilang minuto. Pero nang ipatong nito ang sariling kamay nito sa kamay niya, doon na siya naging alerto at nagpaalam.
Hindi naman niya basta-bastang malubayan ito dahil client naman niya talaga iyon. Nanalo si Vera sa action ng kanyang yacht. Ang problema, may ilang piyesa na sira sa engine nito kaya kailangan niyang ipaayos. Kaya madalas pa rin itong makipag-connect sa kanya. Kahit kaibigan lang daw ang turing nito sa kanya, iba ang kanyang nararamdaman. Kaya pag natapos ang problema sa kanyang yacht, mag-iiba na siya ng number.
Isang masamang alaala ang biglang tumambad sa isipan niya.
Isang linggo matapos siyang lisanin ni Swan si Vera ang naging confidant niya. Ibinuhos niya ang sama ng loob niya rito sa pag-aakalang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Bago matapos ang dalawang linggo, tinangka nitong halikan siya. Noon lang niya na-realize na hindi pa pala ito nakapag-move on sa nararamdaman nito para sa kanya. Eversince then he stopped connecting with her. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may natanggap siyang text. It was Vera.
Binuksan niya ang screen.
Natutuwa ako sa program na pinapasukan natin. Maganda nga siya para sa may asawa at sa mga balak mag-asawa. Siya nga pala, I have to confess something to you. Hope to see you there!
Maya-maya siya ay nag-text.
I'm sorry for being so insentsitive. I thought you now see me as your friend. Hindi pala. It was a mistake to be connected with you again.
Naihiling niya na sana ay tablan ang dalaga sa mensahe niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...