Realizations

2.7K 66 1
                                    



"Naku Ate, you have doubts kung nakipagrelasyon sa iba si Kyle, tapos malalaman niyang naging kayo ni Steve!" reaksyon ni Rose nang maikuwento niya ang pagtawag n Steve.

"Teka, never kaming naging kami ni Steve. Two weeks lang siyang nanligaw but that's it! Tsaka malay ko bang babalik pa siya dito mula sa Canada," naii-stress niyang wika. "Tsaka akala ko ba gusto mo si Steve para sa akin?"

"Oo, noong una. Artistahin kasi itsura niya tsaka mabait pa, kaso kasal ka na pala!" bulalas nito. Sabi sa pinag-aralan namin sa Bible Study group, marriage is ordained by God, isang bagay na dapat seryosohin at ingatan."

Parang hinalukay ang puso niya sa narinig. Kasalanan ko ba talaga kung ba't kami nagkahiwalay ni Kyle? Maaari...kung nai-voice out ko lang sana ang nararamdaman ko, kung nagtiis lang ako ng kaunti hindi sana kami magkakahiwalay, pagsisisi niya.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Rose.

"Gusto ko dati si Steve para sa iyo dahil bagay kayo, pero mas gusto kong magkabalikan kayo ni Kyle, dahil una, mas guwapo si Kyle kaysa kay Steve. Pangalawa, asawa mo siya at 'yon ang tama. Nakasulat sa Bible, ang sinumang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin, Mark 10:9. At pangatlo, it's obvious that he still loves you so much at mukhang hindi naman ito naghanap ng ibang replacement.

Tumagos ang sinabi nito sa kanyang puso. She felt so guilty suddenly.

"Rose, tulungan mo kaming magkabalikan ni Kyle," nagpapakumbaba niyang wika. Napatingin siya sa kawalan bigla. Flashback.

Two months ago before Kyle came back to her life again, she met Steve. They went out on a date three times in two weeks. Aaminin niya, she was instantly attracted to the tall, handsome Fil-Am guy.

Pansamantalang nakabakasyon sa Pinas ang binata dahil sa kasal ng pinsan nito. He left two weeks later, para asikasuhin ang business trip nito. Nangako itong babalik. Hindi naman niya iyon sineryoso.

After two months, nagbalik na ito.

Nawala sa isip niya ang lahat ng mga nangyari. Paano, nagbalik sa buhay niya si Kyle. And this time, she was not going to make a stupid decision of letting him go again.

Sasabihin ko kay Steve ang katotohanan. And the truth will set me free...

Pumayapa bigla ang kanyang kalooban. Nagku-qoute na ako ng verse! Nahahawa na yata ako kay Rose. Huminga siya ng malalim saka napangiti. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

"I am ready to fully receive God's blessing in my life!" Victory was at hand!

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon