Mortal Enemies

5.3K 126 2
                                    


Hirap na hirap magbuhat ng isang malaking flower vase na puno ng red and white roses ang isang payatot na binatilyo. Tatlong mga flower vases ang nakatokang dalhin nito. Natalisod itong bigla nang papunta na ito ng function hall. Malalaking mga braso ang biglang umalalay upang hindi ito tuluyang bumagsak. Pati ang vase ay nasalo rin.

The hero's name was Kyle Arragon.

"S-slamat po," wika ng binatilyong namumutla.

"Sabihin mo sa iyong boss maghanap ng lalaking maskulado." Gentle naman ang boses niya. "Kung makakabasag ka ng vase, mawawalan ka ng sahod," paalala niya rito out of concern.

Matapos nitong umalis ay pinagmasdan niya ang buong reception hall.

Ilang oras na lang ay magsisimula na ang party. Mamaya ay idaraos na ang wedding anniversary ng pamangkin ni Tiyo David. Ang ginoo ay asawa ng kanyang Tiya Lenny. Last year lang ikinasal ang dalawa.

Napatitig siya sa kawalan. 'Di man lang niya napansin ang mga babaeng kanina pa kinikilig sa kanya habang nag-aayos ng hall. His looks and charm were hard to ignore. But his mind was on someone else...

8pm...

Kyle was standing near the window while sipping red wine. An image appeared in his mind. Isang babae na petite, maamo ang mukha, at nakakabighani ang ganda ng mga mata. The person had a very special place in his heart, si Swan, ang babaeng matagal nang nang-iwan pero hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin.

Hindi kita dapat iniisip. Napailing siya saka lumagok muli ng wine. Ayaw niyang alalahanin ang malungkot nilang nakaraan. Kaso ang hirap. Panay ang pagsulpot ng masasayang mga alaala nila noong nakalipas. How they used to dance together in their living room while listenening to romantic songs. Kung paano siya nito madalas bigyan ng tatlong roses sa tuwing may special Holidays silang sini-celebrate. Kung paano niya madalas pisilin ang maliit nitong ilong na madalas mag-wrinkle kapag nagpapatawa siya o naglalambing.

Gusto tuloy niyang makihalubilo sana sa mga panauhin ng pamangkin ng kanyang tiyuhin para pansamantalang makalimot kaya lang panay mga bulaklak ang nakapaligid sa mga ito. Mas lalo lang niya itong maaalala lalo pa't may maraming bouquet ng Azalea sa ilang parte ng malaking function hall.

Bakit ka ba nagbi-Biyernes Santo riyan? Nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. Dapat nga matuwa ka. After two years, nahanap mo na siyang muli. He stared off into space. Nasa Sta. Veda ka lang pala, Swan. Naibsan ang agam-agam sa puso niya.

Simpleng lugar lang ang Sta. Veda. May isang mall at ilang pasikat pa lang na mga establishments. Fresh ang simoy ng hangin doon at mababa rin ang crime rate. The last fact gave him complete peace.

Sa tinitirhan nito ay mag-isa lang kasi ang asawa, well...dating asawa.

Isang malakas na tunog ng sirena ng pulis ang umalingawngaw sa labas ng bintana.

Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang tuxedo na para bang makakatulong iyon upang kumalma ang kanyang puso.

God, please let her be safe!

Alalang-alala siya samantalang ilang metro mula sa tinatayuan niya ay kilig na kilig na nagbubulungan ang mga kababaihan na nakasuot ng cocktail dresses. Lahat ay edad 25 pababa. Siya naman ay 28.

Papaanong hindi magkikiligan ang mga babaeng tutok na tutok sa kanya. He had a nice frame, tall ang very attractive. Bagay na bagay ang suot niyang mamahaling tuxedo. Sa ayos niya parang siya ang may wedding anniversary. Nakakaaliw ring tingnan ang kanyang malagong buhok na may fringe sa dulo, nakakatuksong haplusin at laruin sa daliri.

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon