The Answer is Yes

1.9K 53 0
                                    

"SO what were you talking about earlier?" ani Kyle kay Swan.

"Wala, gusto ko sanang manood ng palabas," ani Swan.

"Great! Tara nood tayo!" Lumabas ang ngiti niyang nakakabighani ng mga single ladies. Pero wala namang ibang tao roon kundi ang mga workers nitong mas matanda pa sa asawa niya. The special smile was solely for his wife only. "Ano ba ang palabas ngayon? Siya nga pala, here's Steve Bay's letter," abot niya rito. "See, palitan mo lang yung letter "B" ng "G" bakla na talaga siya."

Naasiwa ang mukha nito at parang nawala sa mood.

"So, anong papanoorin natin?" balik niya sa dati nilang topic para maibalik ang masayang mood nito. Alam naman niyang ayaw nitong namimintas siya ng tao. Hindi na niya napansin ang alanganing titig ni Rose kay Swan.

"A-ah...eh... "Me Before YOU." Nakuha naman nitong sabihin.

"Tungkol saan ang story?"

Tumunog bigla ang wind chimes nila. Agad na sinalubong ni Rose ang customer na may dalang bata upang dalhin sa may hamster cage nila sa may likuran. Naiwan silang nag-uusap.

"L-love story, baka di mo magusthan."

"Love Story?" Love story! Akala ko pa naman adventure, alanganin niyang isip.

"See, sabi ko na nga ayaw mo e."

Tumalikod na ito.

Ganoon ba kahalaga sa kanya yung palabas? Napatingin na lang siya sa kisame. God, alam kong binabago mo ako, pero kahit pinipilit kong maging mapagmahal, ang hirap kayang manood ng mga romantic movies. It's not my style.

"Sige Swan, panoorin natin!" habol niya kaagad dito.

"H-ha? Nalipasan ka ba ng gutom?"

"Ikaw talaga ang OA mo," aniya sabay pisil sa cute nitong ilong. "Kaya magpasalamat ka dahil effective ang Marriage Stability Class na pinapasukan ko," biro pa niya. "So kailan ang movie date natin?"

"Alam mo, your kabaitan really turns me on."

Nagulat siya sa hayagang sinabi nito.

"The feeling is mutual my dear asawa," ride on naman niya rito sabay haplos ng makinis nitong mga pisngi. God, napakaganda talaga ng ibinigay ninyong asawa, manghang isip niya ng tahimik.

"Ay naku, manood na kayo ng sine bago pa saan makarating ang katu-turn on ninyo sa isa't-isa," utos ni Rose na halatang masaya dahil sa progress na nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

"Paano yung shop?" nag-aalalang tanong ni Swan.

"Kami nang bahala. Tsupi na kayo para makabawi na kayo sa mga na-miss ninyong mga Valentines at Anniversaries."

Ginagap na niya ang kamay ng asawa. There was such longingness in his eyes. "I promise this day will be very special for you, kahit hindi mo pa birthday," bulong niya rito.

Dahil akmang hahalikan niya si Swan ay nagprotesta ito. "Wholesome dapat ang atmosphere dito, wala tayo sa bahay Kyle," pigil nito.

Natatawa siya sa pagiging conserbatibo nito.

"Fine. Pero pagdating natin sa bahay ibig bang sabihin may mangyayari..."

"Halika na nga!" Putol nito sabay hila sa kanya papalabas. Pinagmasdan niya ang namumula nitong mukha. His heart beat shifted into acceleration mode. Umalingawngaw ang malakas niyang halakhak habang papalabas sila ng shop. 

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon