The Sleep Over

2.4K 52 0
                                    

KANINA PA si Kyle naroon sa may park pinagmamasdan ang magandang asawa na naka-pink babydoll dress at sandals. Usapan kasi nila na magkikita roon. Palinga-linga ito kanina pa. Sa pananaw nito, ten minutes late na siya. Di nito alam na kanina pa siya roon sa may likuran ng slide nagkukubli dahil gusto niya itong i-surprise.

Magmula noong magbalik siya galing sa resort maraming magagandang bagay na ang nangyari. God restored their marriage. Parang bagong kasal nga sila kung magturingan. Laking pasasalamat niya sa Marriage Stability Class na kanyang pinapasukan tuwing gabi ng MWF. Ito rin kasi ang naging kasangkapan upang seryosohin niya ang kanyang relasyon sa Panginoon.

Totoo nga ang sinasabi nila, kung wala ang Diyos sa sentro ng marriage, mabubuwag lang iyon at masasayang, isip niya. Hinihintay na lang niya ang complete healing sa pagitan nila. Magkaiba pa rin kasi sila ng inuuwian.

Muli niyang pinagmasdan si Swan na nakatayo na ngayon habang palinga-linga. Dumaan ang magaan na hangin. Kumorte ang katawan sa damit nitong suot. Sa di kalayuan ay may dalawang lalaki na nakapansin sa maganda nitong kutis. Nilapitan ng mga ito si Swan na halatang aliw na aliw sa itsura nito.

He instantly became a charging buffalo. Sa isang iglap nasa likuran na siya ni Swan. Clueless naman ito dahil panay ang pagsusuplada sa mga lalaki. Kaya nagulat na lang ito nang unti-unting napaatras ang mga lalaki saka kumaripas ng takbo.

"Aba, himala! Akalain mo natakot sila sa akin?" bulalas nito. "Ba't kaya?"

Napatili ito ng wala sa oras dahil sa pagpulupot ng malalaki niyang mga braso sa baywang nito.

"Bitiwan mo ako! Tatawag ako ng pulis!" sigaw nito habang sinusuntok ang kanyang mga braso. paulit-ulit. Nakatalikod kasi ito sa kanya.

"Swan, kalma ka lang, it's me!"

"Kaaasar ka kamo! Gusto mo ba akong patayin sa nerbiyos?" singhal nito na pulang-pula sa galit ang muka. Napahawak pa nga ito sa dibdbi sa sobrang nerbiyos.

Na-guilty tuloy siya sa kanyang ginawa.

"Swan, sorry. It was a stupid joke," suyo niya rito sabay yakap nito. Pero hindi ito tumigil sa pagrereklamo. Ikinulong niya sa malalaki niyang palad ang mukha nito. Her cinnamon eyes were anxious.

"Swan, I am so sorry. Hindi na mauulit. Please, patawarin mo na ako." Hinalikan niya ito sa noo upang mapawi ang takot. Narinig niya itong nagreklamo ulit pero mahina na. Nakahinga na siya ng maluwag.

Kaso, mukhang gustong palalain ng ulap ang sitwasyon dahil bigla nitong ibinuhos ang matinding ulan.

Wala na, mas lalo siyang magwawala ngayon! isip niya sabay hatak sa kamay ng asawa.

"Swan..." alanganin niyang bigkas sa katabi nang makapasok sila sa loob ng kotse niya. Nagpipiga iyon ng buhok.

"I'm sorry I ruined our date."

"Ok lang."

Napataas siya ng kilay.

"Wala raw tubig bukas. At least nakaligo na tayo ahead of time."

Pareho na lang silang natawa bigla. But the situation became a blessing in disguise. Sa bahay na lang nito sila umuwi upang magpalit ng damit. Pangalawang punta na niya iyon. Yung una ay noong inihatid niya ito mula sa anniversary party ng pamangkin ng kanyang Tiyo.

Nang makapagpalit ng damit, pinagmasdan niya ang buong bahay. Nakita niya ang mga pictures ni Swan pati na ang ilang mga bagay na iniregalo niya dito noong single pa sila. May kumurot bigla sa sulok ng puso niya. I want to stay in this house forever.

"O ba't ganyan ang mukha mo?" anito habang nagsusuklay ng basang-buhok.

"Naalala ko lang pala. May inabot ang postman ninyo kahapon na sulat. Naiwan ko sa bahay ko.

"Kanino galing?" tanong nito sabay lapag ng suklay sa may coffee table.

"Siguro sa isa sa mga admirers mo."

Natawa itong bigla. "Selos ka naman?" pilyang wika nito na tila ba nang-aakit. Hinapit niya ito sa may baywang.

"Bakit e asawa mo ako," diin niya. Napasandig na ito ngayon sa kanyang dibdib. Kitang-kita niya ngayon ang nagkikislapan nitong mga mata na kulay ginto. Hinaplos niya ng marahan ang mga talukap nito. Ito naman ay napapikit at tuluyan nang sumandal sa dibdib niya.

"Ang yabang!" bulong nito. "Oo nga pala, paano mo nalaman na may ilang fanatic admirers ako?" anitong napatingala.

"Kanino pa, eh di kay Rose, ang kaibigan mong news anchor.

"Hoy, 'wag mong lalait-laiitin iyon. Her prayers are the reason why nagkabalikan tayo 'no. Dalhin mo na lang bukas yung sulat." Sumandal itong muli sa dibdib niya.

"Aba, mahilig ka pala sa matigas na unan?" biro niya dito. Ramdam niya ang excitement sa naisip. Possible kayang patulugin niya ako rito?

The silent thought suddenly made his hormones unstable.

"'Bading yung admirer mo kaya kalimutan mo na siya," pahabol niyang biro. Ito naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit. Na akala mo ay nagsasayaw sila ng sweet dance.

"Ang OA mong magselos. Pati walang kamalay-malay, pinintasan mo na."

"Steve ang pangalan niya. Ilang homosexuals na kaya ang kilala ko na may pangalang Steve."

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya tuluyang napansin na namumutla na yung katabi.

"Swan, what's wrong are you okay?" Pati pisngi nito ay nanlalamig.

"K-kyle, biglang sumama ang aking pakiramdam. Maiwan muna kita..." nanghihinang wika nito saka naglaho.

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon