Two Parellel Lines

4.5K 84 15
                                    

The official ending...


"Kyle ano ba itong kahibangan na ginagawa mo?" aniya habang pumipiglas sa pagkakayakap ng kanyang asawa. His sweet masculine perfume was not helping her to be strong. Much more, the intense stare he was giving her now.

"Ibinibigay ko lang ang wish list mo na number 9 and 10," anito na may kindat na nakakakuryente ng kanyang balat.

Huminga siya ng malalim. Panginoon, kayo na po ang bahala na magpaganda ng boses ko. Thanks for giving me this opportunity to sing this love song to her... He was truly grateful.

The lovely lyrics came out from his trembling lips.

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes..." awit nito sa paborito niyang awit na Photograph ni Ed Sheeran. "...But it's the only thing that I know..."

Oh my God! My husband is looking like an idiot just for me! Hindi na niya ma-contain ang nararamdaman habang sumasayaw ng sweet dance ang asawang naka-pink shoes. Nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha.

"When it gets hard, you know it can get hard sometimes..." patuloy nito habang titig na titig sa kanya.

Sapul na sapul siya sa mga lyrics na inaawit nito ngayon. Yes life can get hard, and it did get hard for the both of them. But they are still standing, by the grace of God.

"Loving can heal, loving can mend your soul..." patuloy nito sa pag-awit.

Sa puntong ito ay isinandal na nito ang kanyang pisngi sa malapad nitong dibdib. Hawak-hawak nito ang kanyang ulunan at batok. She could do nothing but surrender. Her whole body was trembling because of the undeserved loved she had received from him. The warmth from his body was like salve to her wounds.

"Okay ka lang?" singit nito nang tumigil itong saglit sa pag-awit.

Tumingala siya upang pagmasdan ang maganda nitong jawline. Wala sa sariling hinaplos niya iyon. "Oo." She gave her very sweet smile. Shy pa nga siya, eh.

"Ba't ka naiiyak?" pakunwaring nagtataka nitong tanong.

Gusto niyang pisilin ang ilong nitong matangos dahil sa pagpapa-cute.

My God, you will always be cute forever in my eyes! "Wala, sintonado ka kasi, bad breath pa," natatawa niyang bigkas ngunit sumisinghot na din.

Timing naman yung lyrics na sinunod nitong awitin.

"And if you hurt me, that's okay baby only words bleed..." Titig na titig ito sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi.

Pero ba't ganoon? Hindi naman ito tumatawa habang patuloy nitong inaawit ang lyrics. In fact he was now shedding a tear, which was followed by another...and another.

They started to sing the chorus together.

Hindi na nila namalayang pinapanood na sila ng maraming tao. Pinaligiran na sila ng mga taong naka-on ang mga camera ng mga cellphone. There they were on the sidewalk in front of her shop, a well built man with striking good looks wearing a woman's pink three inch heeled shoes and a long haired pretty lady who was pressed against his broad chest, clinging for love that will hopefully last forever.

The sweet embrace seemed to last for eternity.

Their singing continued...

"...You won't ever be alone...wait for me to come home..." Sa part ng lyrics na ito ay binuhat na siya ni Kyle into a fetus postion, wrapped securely in his arms. "Honey I'm home..." he lovingly whispered into her small ears and kissed it gently.

Sa puntong iyon ay napaluha na rin pati ang comedian niyang chubby friend na si Rose.

"Waaah! Gusto ko na ring mag-asawa!" ngawa nito.

Puwes, pray pa more...

Two weeks later...

"Hon, dali tingnan mo sa balita, we're on the news!" ani Kyle. Halata ang sobrang excitement sa boses nito. Busy naman siya sa loob ng CR habang ito naman ay nakahilata sa King sized bed nila.

"Mamaya na dear, busy pa ako," protesta niya. Ilang saglit ay lumabas na siya.

"Dali tingnan mo hon, nag-viral yung video natin na pinadala ng isang anonymous bystander. Aabot na tayo ng almost one million likers."

Natatawa siya dahil parang bata si Kyle. Napaka-OA. Gulo-gulo pa ang buhok nito nang umagang iyon pero guwapong-guwapo pa ring tingnan.

"For sure, mas magugustuhan mo itong ibabalita ko sa iyo!" aniyang sabik na sabik itong nilapitan.

"Ano naman ang mas importante pa kaysa sa pagiging one day celebrity natin?" wika nito. Sandali niyang pinulupot sa maganda nitong leeg ang mga braso. Hinalikan niya ito sa batok. "I'm so blessed to be married to you!" bulong niya dito. Nakuha niya ang gesture na iyon mula sa asawa.

"Aba, ano ang nakain mo at masyado kang sweet yata ngayon?" anito na may pagtataka. Hindi niya tuloy mawari kung saan ito mas pogi, kapag nagseseryoso ito, kapag pilyo o kapag nagagalit. A basta, all of the above! Siya naman ngayon ang pilyo ang ngiti. Pilyo but very proud.

Natigilan itong bigla nang makita nito ang kanyang hawak.

Sa dalawang parallel lines ito nakatuon. He was speechless. Handsomely speechless.

"Magiging daddy ka na!" anunsyo niya rito.

Halu-halo ang naging reaksyon nito, natutuwa na naiiyak na namamangha. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Kaya naman pala buko na may pakwan ang gusto mong inumin at pritong paksiw ang gusto mong kainin!" wika nito na tuwang-tuwa. Hinagkan siya ni Kyle matapos. "Alam mo Swan, God loves us very much," anito maya-maya.

"Oo nga. God really loves us...He really loves me...Binigyan niya ako ng asawang marunong magpatawad." Nangingiti-ngiti siya habang nakakandong dito at hinahaplos ang jawline nitong makinis. "At ang ating lifelong verse ngayon ay ang Mark 10:9..."

"Huwag paghiwalayin ang pinagsama ng Diyos..." Pareho pa sila ng pagbigkas.

"Amen to that!" mabilis nitong tugon saka siya niyakap ng sobrang higpit.

"Alam mo Swan, mahal na mahal din ako ng Diyos. Kasi yung birthday wish ko sa iyo this year ay ibinigay niya. Next year, makakapag-celebrate ka na ng Mother's Day! Wohooo!"

Her pretty eyes were sparkling with merriment habang pinagmamasdan ang masayang asawa. Pinagpala talaga ako dahil bukod sa guwapo ka na, mabait pa! At may bonus pa nga, may takot ka sa Diyos! What else could I ask for?

"Kaya nga ang madalas na sabi nila, God is good!" nakuha niya ring sabihin.

"All the time!" dugtong naman nito sabay ulan ng mumunting halik sa kanyang mabilog na pisngi. "Honey, I think I will never get tired of giving you sweet kisses..." bulong nito.

Hindi na siya sumagot, kumawala na kasi ang mga luha dahil sa kagalakang nararamdaman mula sa kaibuturan ng kanyang puso. "I second the motion, honey..."


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon