Sa Park

1.5K 30 0
                                    


6AM, sa may park...

"We're together now, hindi mo na kailangan sauluhin ang awit na 'yan," wika ni Swan habang nakasandal ang ulo sa gilid ng braso niya. Pareho silang nakaupo sa cemented bench.

"Sabi sa klase namin, pabago-bago ang mga babae. So just in case you change your mind and start to hate me again, at least naka-ready ako," natatawa niyang banggit sabay gulo ng buhok nito. "So kailan mo balak mag-sit-n sa klase namin?"

Nag-ayos ito ng upo. "Ano ba kasing ginagawa doon?" Nasinagan ng araw ang mga mata nito at nagmukhang nagbabaga. He was mesmerized.

"Nagsasaulo kami ng Bible verses kung minsan."

"Sample nga ng nasaulo mo?" hamon nito. Parang hinele naman siya ng amoy Jasmine-Rose nitong buhok nang dumaan ang hangin.

"Mark 10:9, Therefore what God has joined together, let no one separate."

"I like that..." anito. Contentment were in her eyes. Ilang minuto pang nagpatuloy ang conversation nila.

"Sa ngayong kunwari may buwanang dalaw si misis. Mag-ii-skit kami ngayon. Kunwari sisigawan ako ng asawa ko. Tapos ako naman heto magiging pasensyoso sa kanya. Sasabihin ko kunwari, "Hon, gusto mo bang bilhan kita ng gamot? O gusto mo bang magpahilot?" Siyempre dapat malambing ang tono para mas effective pampaalis ng galit niya." May papitik-pitik pa nga siya ng daliri at kindat dito.

"So ganoon pala ang ginagawa ninyo doon?"

"'Yup, ka-demo namin minsan ang instructor namin, minsan 'yung kaklase naman."

Tumunog ang cellphone nito kaya naputol ang pag-uusap nila.

"You have a new cellphone?"

"A-ah oo. Sira na kasi yung isa."

Nagtaka siya dahil parang nabagabag ang mukha nito. Nagsimula na silang maglakad papuntang kotse.

"Kyle honey, paano mo ba malalaman kung mahal talaga ng isang lalaki ang isang babae?" anito pagsarado ng pinto ng kotse.

"Well...handa siyang mapahiya, alang-alang sa kanyang minamahal. Kung iyon lang ang tanging paraan upang mapawi ang galit nito. Ba't mo naitanong?"

"Ah..wala...halika na. Mali-late na tayo."

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon